Thursday, March 17, 2011

Happy 3 yearz and 1 month

Hi hun ko,

Kanina nagpunta ako sa Rizal Provincial Hospital para kausapin ang chief nurze doon. Mag I-Intensive Clinical Practicum ako dun. 1 week un. Tapos dumiretso ako sa Cubao. Grabe kapagod. Lakad ng lakad. Madami ako nakausap dun na nurses din, kukunin na licence nila. Sana ako din. Kaso wala na daw slot. Baka for October pa ulit pero wala pang schedule. Mabilis daw talaga mapuno. Haaaay. Hun gusto ko na talaga mag abroad at ng makaipon na ako. Nahihirapan na ako. Parang wala akong kwenta. Nahihiya na ako sa mga tao sa paligid ko lalo na sa mga magulang ko at sayo. Bakit ba ganito. Kahit anong puyat ko. Kahit na anong hirap at stress na inaabot ko sa araw araw eh hindi ko pa din nararamdaman ang positive side. Ewan ko ba. Na ppressure ako ngayong taon na ito. Ang hirap. Dami pang requirements sa MAN. Ang dami kong pangarap, wala pang natutupad. Ang haba na masyado ng panahon na dumadaan. Paiksi na ng paiksi ang pasensya ko.Ang malas ko talaga. Minsan nga iniisip ko na lang may plano ang nasa Itaas para sa akin na hidni ko pa lang nararamdaman. Pero hun, ang hirap mag paka plastik sa sarili. Yun ang pinakamahirap gawin. Kailan kaya ako mag lelevel up? haaaaaay.

Sa Pasig pala ako sumakay pauwi. Nagkita kami ni kuya Arnee sa palengke. Kinamusta ka nga. Sabi nya kasi nagkakagulo dyna. Sabi ko sabi mo ikaw ang pinagkakaguluhan haha. Naglakad lakad ako sa Megamall pala muna. Ikaw lagi naalala ko. Hindi nga ako kumain. Malulungkot lang ako. Nahilo nga ako. Medyo nalito ako saana ang papunta sa Garden haha. Sakit na paa ko hehe. Dami din new movies na showing. Haaaaaaay. Sana dumating ulit ang panahon na mag kasama tayong manonood ng sine. Hehe...
Happy monthsary mahal ko. Ingat ka lagi dyan.

6PM na ako nakauwi. Kapagod. &am-3pm pa ako bukas
I LOVE YOU. ALL THE BEST FOR BOTH OF UZ!!!!!! God blezz uz hunhun

1 comment:

  1. hello hun.. kauuwi ko lang from duty..aga kami natapos, 7 patient ko..me nagtitinda na pinay (messenger) ng palabok, 5 riyals.. bumili ako, kakainin ko ngaun..
    ok lang yan hun, basta kung ano plans mo sa buhay, suportahan kita..kung gusto mo talaga mag MAN, go! siguro nga me plano si God sau at saatin..hay naku, basta yung EMT wag mo ipagwalang bahala. saka yang TGH mo, kung di ka naman ia absorb, lumayas ka na dyan.. wag ka masyado paka toxic kung wala namang nangyayari.. basta! timbangin mo ang buhay mo.. love u hun.. happy 3 yrs din and 1 month :):)

    ReplyDelete