Thursday, March 31, 2011

First Floor

Hi hunhun,


Galing ako sa inyo noong tuesday ng hapon hanggang yesterday night. Noong martes, last day ko sa RPH para sa practicum ko. Nagpakain ako ng spaghetti at cake sa nursing office at sa medical ward. Medyo magastos. Umutang muna ako sa ATM ni kennedy ng 6 hundred bukod pa sa hawak kong pera haha. Haaaaay. Tapos nagbigay ako ng simpleng gift sa mga nasa office specially sa chief nurse. Cup na may takip. Tapos nag dagdag ako ng massager set para sa chief nurse. Buti may mga gifts pa dito na natira ang nanay na hindi naibigay last christmas. Dapat hangang 2PM pa ako eh nag paalam ako ng maaga para makapunta sa inyo. Ayun, nagulat si mamita kasi pumunta ako. Naghatid ako kay tito travis sa Dean. Nagbayad ng meralco. Kinuha ang sukli ng SSS. Aba't 1 hundred pesos ang unang binigay sa akin. parang kakainsulto haha. Naghintray ako ng ISANG DAANG PISO! haha. Hindi nabasa yung letter na andun din yung request para kaya papa. Kaso walang pirma buti hndi na nagtanong. Tapos bumili ang mga gamot nila sa The Generics. Then nag pay ako sa Bayantel. Kinabukasan, super busy na. Naghakot kami mga gamit para ilagay sa second florr. Papaupahan na kasi ni mamita yung buong 1st floor.

May harang na nga dun sa may kwarto ni papa. Nagpagawa si mami kay ka eto ng pinto sa mayu harap nina ka inday. Doon sa may mga yero? naaalala mo ba? tapos  doon na tayo dadaan para may privacy na din yung mga uupa. Isang pamilya daw uupa. Tapos si hershey doon na sa dati kong room titira. Yung room dati ni hershey papaupahan P700/month. Haha mautak si mamita. %k naman papaupahan yung baba ng bahay. Nakakamiss din. Nakakalungkkot kasi sa susunod na pag uwi ko sa lupang pari, wala na sina mamita doon. Nasa san miguel na sila. Yung second floor na lang ang pwede natin puntahan. Si britney pinadala na din kay kuya kahapon sa san miguel. Kawawa si bruce tila humahabol. Itinaas namin yung lagayn nyo ng pictures sa silong, yung computer table mong luma, kama na hinihigaan natin sa silong, foam, tv ng videoke, videoke, etc. At alam mo ba yung mesa na bilog? Tinawag ako ni travis habang nag ddrawing sya. Hindi ko masyado pinapansin kasi nag huhugas ako ng pinag meryendahan, Nung lumapit ako tinanong sa akin kung ano yung nakikita nya sa ilalaim ng salamin ng mesa. ANAY! haha. may mga anay. Naalarma si mamita. Ayun, tinaas na din namin yung salamin sa second floor. Ang bigat. At ang pinaka challenge ay kung paano itaas yung mesa sa second floor! haaaay tagal before naitaas. Doon sa terrace namin idinaan nina ka eto at ka egay. 
Si chonan mukhang buntis na Sabi ni mamita hindi p[a daw. ewan. haha.

chonan, preggy?

anay sa mesa

Nakaktawa si travis nung dumating si ate bebeng luki. Nag kunwaring nagulat at sabi akala nya daw aso. Haha binatukan ni ate bebi haha. Yung banig ng mesa ibinato ni mami sa arawan para mawala anay. Ewan kung itatapon na nya. Ayaw ni ate bebi kasi wala sya pag gagamitan. Ka-sad. hahaha witness yun sa ating happy dayz.

Malalate daw summer ngayon. Puro low pressure area ngayon sa Pilipinas. 

Love you hun. Ang tagal naman ng March! Bakit march ka pa uuwi hmp. Miss na miss na kita. Hun sana maging successful mga plans natin. Sana mag ka work na din ako na maganda. Sana lagi tayo happy. i love you hun. Super miss na kita kung alam mo lang kung gaano ako kalungkot kapag pumupunta sa inyo at kapag umuuwi akko. Kagabi pala sa lapag lang natulog sina mamita at travis. Nasa taas na kasi yung bed. Love you. Miss ka na din ni travis. Sabi nya dati ka pa nya miss. Patay daw sya pag uwi mo kasi tyak mag aaway kayo. Natawa kami ni mamita. 

Naaalala mo yung batang umiiyak na sumasayaw sa Willing wille? Ini issue at may kaso ngayon. Child labor daw. Bwisit din minsan. Nag reklamo nga magulang eh bakit daw ang Going Bulilit! haha. Wala magawa kung sino man naninira. Tingin ko ABS CBN may pakana nun haha.

Love you hun ko

Sa susunod ulit. Medyo busy nitong huli kaya now lang ulit nakapag update ng blog natin. Sana lagi mo babasahin.


No comments:

Post a Comment