Linggo@Kephilco
2:15 Pm
Hi hun,
Nandito pa din ako sa Kephilco. 6:15 am na ako nagising. Ginising pa ako ng nanay. Late na kasi nakatulog.
Napanood ko na yung "Devil". Maganda. Then, I watched 127 hours, maganda din. Yung Eternal Sunshine of The Spotless Mind made juts gave me a headache but it is good. Pinanood ko din yung The Legend of The Guardians, pero pinutol ko din kasi mamaya marami na tao dito hindi ko na matutuloy. Sa hawz ko na lang papanoorin. Mukhang maganda kasi. Napupu pa ako kanina dito sa clinic. Sumakit tyan ko. Na excite sa "devil". Yung devil dito na babae, parang sya yung gumanap na Ms Umbridge sa Harry Potter? kamukha.
Sabado @ Lupang Pari
Yesterday pumunta ako sa inyo. Nagkita kami ni mamita sa GE sa Mercedes. Tumingin sya ng mga Monitor ng PC. Malalaki naman. Old style. Malakas sa kuryente sabi ko. P500 isa. Sabi ko may mga flat screen na ngayon na mura lang. Kasama nya si papa pero hindi ko sya inabutan dun kasi pinapunta nya ng Jolibee para ibili si teletabit ng fries at para mauna na sa hawz para bumili ng ulam at baka nag iiyak na si travis. Iniwan kasi nila. Nag pa check din si mami ng FBS, Crea, BUN sa Alfonso sa Mercedes. Pag uwi namin, naharang pa si mami ng kapitbahay nyo at nag chismisan pa sila. Kaya ako muna pumunta sa hawz. Gising na si teletabit suot yung fatigue na shorts mo kaya parang nakapalda. Hinahataw ang pintuan ni hershey. Inaasar si hershey. Si papa umalis na daw. Ang likot likot ni travis sobra. Pag dating ni mami sinabihan ni nmami na wag malikot. Kaya daw hindi na ako pumupunta sa inyo kasia ng likot nya. Haha. Sumagot ba naman ng "Pakielam ko ba dyan." Haha si teletabit marunong na sumagot. Mukhang mana sayo haha. Natawa na lang ako. Si papa naman binilinan pala na bumili ng kanin at ulam. Aba't walang binili pati tinapay wala. Wala din yung front page ng Philippine Star na bulletin na nakuha nila sa Jolibee. Ipagmamalaki pa naman ni mamita yung pic ng Japan Tsunami. Akala namin kinuha ni papa. Tinawagan ni mamita wid gigil. Wala pa daw si papa till noon sa Crossings, haha. Naligaw daw ata. Tinawagan ulit nung hapon. Wala daw sa kanya yung front page. Baka naiwala lang nilang dalawa. Nakipag chat kami ni mamita kay ate grace at ate daisy. Pawala wala nga kasi nag loloko ang net. Pati net nila. Kahilo. Wala pa ding tigil ang Lindol sa Japan sabi ni ate daisy. Si kuya yochang nasa rescue team. Wala pa daw sila balita dat tym kung nasaan na sya. Si ryo daw galit na galit kapag mabagl kumilos sina ate d. Haha. Lagi sila nagtatakbuhan kapag lumilindol. Thank hun sa pag aalalal din kay kenedy ha. Okay nman daw sya. Hindi nga daw nya alam na may nangyari na that time. Then nung dumating ka ganun pa din yung net, pawala-wala. Yung celphone ko pala guess what. Wga ka magagalit ha!!!!!!!!! Nalag lag sa bowl nyo! buti malinis. Nalaglag kasi nasa pants ko. Eh maliligo ako kaya sinampay ko eh andun cp ko kaya nalaglag! Shoot sa bowl. Alam ko naiinis ka haha. Ayun hindi gumana. Kainis.Nag papabili nga ako kay kennedy, Pa-joke lang naman. Sabi ko sira cp ko. Wala daw cp dun, naka linya lahat. Oo nga pala hehe. Buti nung hapon gumana na. Tumatawag ka pala. Alam ko galit ka. 5 missed calls nga eh. Nakatulog kami nina mami at travis. Pati nawala din yung connection ng net. Tinext q na din pala yung celphone ni mami sa chikka mo. Sana na receive mo para ma ka receive na din sya ng messages mo from the net. Sabi ni mami mag bubusiness daw ng computer shop. Tayo daw may ari, hindi daw si kuya. Si kuya daw tagapamahala lang. Haha. Lalagyan din daw yung taas ng kusina ng sahig at yung bubong lalagyan ng butas. Parang attic. Para daw may daan papunta sa Tanke at para may bodega kayo. Yung maliit na kwarto kasi tutulugan na. Ipunin daw pera mo para daw sa mga toh at para pag aapply mo abroad, sa Canada if ever. Tumawag si ate grace sa haws at nangangamusta. Kinuwento yung FB profile ni ate rhona. Nakapanty lang daw si ate rhona. Yamot na yamot si mamita. Pinahanap sa akin haha. OO NGA! ginagaya pa daw si royalty.
Naghilo daw sya noong ash wednesday pero nag simba pa rin sila. Nagsimula daw yun nung nag wala yung negi. Ang ingay daw kasi. Napagod din daw ata sya at sumobra sa pag kain kaya ayun nag pa lab test.
Nakakalungkot everytime uuwi ako. Nararamdaman ko malungkot din si mamita. Kinuha ko result ng Lab tests nya. Normal lahat. Nag pabili nga ng shake, pandan flavor., Wag ko daw sya ibibili kung mataas sugar nya. Eh normal naman. Kaya binili ko sya. Bumili ako ng small na pandan, black forest at melon flavored shake at buy one take one na cheeze burger. Iba na ang nagtitinda sa Joey's Burger house. May bnakabili na din daw pala ng bahay nina ate gina. Hindi ko na lang masyado tinanopng si mamita. Akin yung melon! Aba't sabi ni mamita eh kay Royalty na lang daw. Haaaay. Ayaw ni teletabit ng choco shake. kaya yun ang akin. Hmp. Hehe pero oki lang. Binili ko nga pala si Travis last friday ( march 4, 2011) ng Sao Sao, parang yung Yum Yum dun sa palengke. Dun sa Nagtitinda ng mga imported chocolates sa harap ng tindahan ng mga bulaklak. 10 cups ata yun. P50. kala ko masarap eh. Aba't pag dating ko yesterday sabi sa akin lasang gas. Haha kahiya naman. Sabi din daw ni royalty, sbai ni mamita. Natatwa ng si mami. Okay lang dun yun. Binigay nya din daw kay hershey yung iba hehe baka daw kasi abutan ko pa, nakakahiya. Yung binili ko daw na bulaklak last week, hindi pa lanta. Bakit daw pag ako ang nagbibigay ang tagal malanta? haaaay.
Yung buhok ko daw hindi maganda. Parang pinipilit lang daw maging tomahawk kasi ang iksi. Ang tagal ng ahumaba. Mas maganda daw yung gupit ko beofre etoh. Nung nag pahighlights daw ako. Haha, syempre sya nag recommend sa akin nun ng gupit at barbershop na yun hahaha.
Bumili ako ng burger at shakez...:))
Lagi ka namin pinag uusapan. Nasasamid ka ba? Sana maging ayos ka dyan lagi. Alam namin ngayon tulad namin medyo naninibago ka pa din. Darating din daw ang time gugustuhin mo pa mag balik dyan. haaay. Wag daw ako aalis ng bansa na hindi ka pa umuuwi kasi mawawalan ka daw ng gana umuwi haha. Tapos Hindi ka daw selosa. Sabi ko "Kung alam mo lang mami". hahahahahha.
Kagabi 8 pm na ako umalis sa inyo. Sa Ynares Center yung Grand Finals ng Talentadong Pinoy. Ang daming tao. Rinig nung dumaan yung jeep na sinasakyan ko. Buti hindi na traffic kasi nasa loob na mga tao. Mag sisimula na. May mga ambulance nga eh. May nasalubong pa kami, mukhang galing doo at may lamang pasyente. Nong nakauwi ako, mag sasayaw pa lang yung unag contestant, yung fire attraction. Grabe ang ganda ng mga presentations nila. Ewan sino mananalo pero bet ko yung sfashiva at new born divas. Magaling din yung The Artist. Basta magaling lahat. 1pm na nga ako nakatulog. Mamaya pa lang iaannounce ang winnes.
Birthday pala ni tetay ngayon. Pupunta ako sandali sa kanila. Dinner party daw. Nakakalungkot nga kasi dapat swimming kaso kamamatay lang ng lola nya, as ive told you last time.
Miss na kita. Sana maging maganda na trabaho ko. Sana makaya ko ang hectic sched ng buhay ko ngayong taon. Sana makapag abroad na din. Love you.
No comments:
Post a Comment