Thursday, March 31, 2011

First Floor

Hi hunhun,


Galing ako sa inyo noong tuesday ng hapon hanggang yesterday night. Noong martes, last day ko sa RPH para sa practicum ko. Nagpakain ako ng spaghetti at cake sa nursing office at sa medical ward. Medyo magastos. Umutang muna ako sa ATM ni kennedy ng 6 hundred bukod pa sa hawak kong pera haha. Haaaaay. Tapos nagbigay ako ng simpleng gift sa mga nasa office specially sa chief nurse. Cup na may takip. Tapos nag dagdag ako ng massager set para sa chief nurse. Buti may mga gifts pa dito na natira ang nanay na hindi naibigay last christmas. Dapat hangang 2PM pa ako eh nag paalam ako ng maaga para makapunta sa inyo. Ayun, nagulat si mamita kasi pumunta ako. Naghatid ako kay tito travis sa Dean. Nagbayad ng meralco. Kinuha ang sukli ng SSS. Aba't 1 hundred pesos ang unang binigay sa akin. parang kakainsulto haha. Naghintray ako ng ISANG DAANG PISO! haha. Hindi nabasa yung letter na andun din yung request para kaya papa. Kaso walang pirma buti hndi na nagtanong. Tapos bumili ang mga gamot nila sa The Generics. Then nag pay ako sa Bayantel. Kinabukasan, super busy na. Naghakot kami mga gamit para ilagay sa second florr. Papaupahan na kasi ni mamita yung buong 1st floor.

May harang na nga dun sa may kwarto ni papa. Nagpagawa si mami kay ka eto ng pinto sa mayu harap nina ka inday. Doon sa may mga yero? naaalala mo ba? tapos  doon na tayo dadaan para may privacy na din yung mga uupa. Isang pamilya daw uupa. Tapos si hershey doon na sa dati kong room titira. Yung room dati ni hershey papaupahan P700/month. Haha mautak si mamita. %k naman papaupahan yung baba ng bahay. Nakakamiss din. Nakakalungkkot kasi sa susunod na pag uwi ko sa lupang pari, wala na sina mamita doon. Nasa san miguel na sila. Yung second floor na lang ang pwede natin puntahan. Si britney pinadala na din kay kuya kahapon sa san miguel. Kawawa si bruce tila humahabol. Itinaas namin yung lagayn nyo ng pictures sa silong, yung computer table mong luma, kama na hinihigaan natin sa silong, foam, tv ng videoke, videoke, etc. At alam mo ba yung mesa na bilog? Tinawag ako ni travis habang nag ddrawing sya. Hindi ko masyado pinapansin kasi nag huhugas ako ng pinag meryendahan, Nung lumapit ako tinanong sa akin kung ano yung nakikita nya sa ilalaim ng salamin ng mesa. ANAY! haha. may mga anay. Naalarma si mamita. Ayun, tinaas na din namin yung salamin sa second floor. Ang bigat. At ang pinaka challenge ay kung paano itaas yung mesa sa second floor! haaaay tagal before naitaas. Doon sa terrace namin idinaan nina ka eto at ka egay. 
Si chonan mukhang buntis na Sabi ni mamita hindi p[a daw. ewan. haha.

chonan, preggy?

anay sa mesa

Nakaktawa si travis nung dumating si ate bebeng luki. Nag kunwaring nagulat at sabi akala nya daw aso. Haha binatukan ni ate bebi haha. Yung banig ng mesa ibinato ni mami sa arawan para mawala anay. Ewan kung itatapon na nya. Ayaw ni ate bebi kasi wala sya pag gagamitan. Ka-sad. hahaha witness yun sa ating happy dayz.

Malalate daw summer ngayon. Puro low pressure area ngayon sa Pilipinas. 

Love you hun. Ang tagal naman ng March! Bakit march ka pa uuwi hmp. Miss na miss na kita. Hun sana maging successful mga plans natin. Sana mag ka work na din ako na maganda. Sana lagi tayo happy. i love you hun. Super miss na kita kung alam mo lang kung gaano ako kalungkot kapag pumupunta sa inyo at kapag umuuwi akko. Kagabi pala sa lapag lang natulog sina mamita at travis. Nasa taas na kasi yung bed. Love you. Miss ka na din ni travis. Sabi nya dati ka pa nya miss. Patay daw sya pag uwi mo kasi tyak mag aaway kayo. Natawa kami ni mamita. 

Naaalala mo yung batang umiiyak na sumasayaw sa Willing wille? Ini issue at may kaso ngayon. Child labor daw. Bwisit din minsan. Nag reklamo nga magulang eh bakit daw ang Going Bulilit! haha. Wala magawa kung sino man naninira. Tingin ko ABS CBN may pakana nun haha.

Love you hun ko

Sa susunod ulit. Medyo busy nitong huli kaya now lang ulit nakapag update ng blog natin. Sana lagi mo babasahin.


Guloko

March 27, 2011

Hi hunhun,

3:50 DITO SA kephilco

Hi, pauwi na ako maya maya. Nag gawa ako ng iang projects ko dito sa clinic. Tapos nanood din ako ng movies. Pinanood ko yung The Time Traveller's Wife at I am Sam. Magaganda. Hehe. Miss na kita. Bukas 6-6pm nanamana ako sa RPH. May nag aalok pala sa akin mag apply sa Taytay Doctors Hospital ata yun. Bago. 57 bed capacity ngayon. Ginagawa pa yung ibang rooms pero open na 57 bed ang capacity ngayon. Nag open na ata yun nung January pa. Eh may onting slots pa daw. Yung classmate klo sa MA andun na. Sa ward sya. *k a monthb ang sweldo. Pag Special area ka, 9k. Stock holder yung chief nurse ng RPH dun. Mganda nga daw doon. Haaaay nalilito tuloy ako. Kasi pag nag apply ako dun. Exams and Interviews ulit tapos probation ulit ng 3 months. haaaaay ano kaya magandang gawin? yung EMT ko pa sa July. Ano nga kaya? Love you? isip pa ako. Hehe. Miss na kita. Love you hun ko.

Wednesday, March 23, 2011

Mizznakita

Hunhun,

Pasensya ka pero bigla akong nalungkot. Namiss kita bigla hun ko.
Naalala ko nanaman kapag magkasama tayo haaaay. Tapos hun nakaramdam nanaman ako ng kawalan ng silbi. Ang gastos ko tapos wala naman akong magandang trabaho. Loser nga ata ako. Pero eto go with the flow pa rin sana maging successful din ako, tayo hunhun...:(...:))))))))

Natutuwa ako sa duty ko sa RPH. Mabait yung chief nurse. Type lang ako ng type ngayon doon ng policy etc. Wala pa ako makitang magandang case haaaay. ipagPray mo rin ako ha. Tapos ang tawag sa akin ng mga tao dun, sir haha. lalo na yung mga nurses dun. Nakakatuwa lang haha.

Napansin ko lang nag malas ko. Nag MAN ako, biglang nawala ang enrolees ng nursing. Nagpaplano ako mag abroad, nag gera naman sa Mid east. baka pag nag EMT ako biglang mawala din. Haaaaay :(. sana naman may ibang dahilan kung bakit nagkakaganto ang buhay ko. ang lungkot ko tuloy. Sabi mo nga ang malas ko. Masipag naman ako. Pero bakit ang damot sa akin ng Taas. haaaay. Nakakainggit yung mga petikz lang may work na agad. Haaaaay. Hidni ko naman hinihiling manalo sa lotto. Hinihiling ko Trabaho. Gets mo ba? haaaaay


Maganda ba "Shelter"? yabang, hindi ka nagandahan noh? hehe okay lang hmp.

Love you

Tuesday, March 22, 2011

ICP

Hunhun,

First day ko sa ICP kanina (intesive clinical practicum) sa Rizal Provincial Hospital. Walang multi organ system failure na case kanina. Puro MGH! kainis. Kaya nag mentorship namuna ako with the chief nurse. Mabait yung chief nurse. Hehe. Bukas 8-5pm ulit ako. Haaaaay sana matapos na ang hirap. Napaka gastos pati. Miss na miss na kita.

Ingat lagi and God blezz!

Monday, March 21, 2011

Intensity 3

Hi hunhun,

Lumindol kanina dito. Ewan medyo big deal ang lindol ngayon dahil sa Japan earthquake. Intensity 3. Ramdam daw kahit sa pasig. Buong Luzon ang tinamaan. Mga 6 seconds ang tagal or higit pa. Si Kervin nakaramdam ng husto. magkakasama kami sa salas. Kagigising ko lang kaya medyo hilo. Pero kita namin how mag  galawan  mga gamit!. Love you. Lagi ka mag iingat dyan ha. Miss na miss na kita. Yung mga pets sa Japan kawawa. Meron ipinakita sa 24oras. Yung aso hindi iniiwan yung kasamahan nyang aso na sugatan. Wawa kasi putikan sila. Tapos nag super moon pala. yung pinakamalapit na distance ng buwan. 'di ko nakita. Lunar Perigee ang tawag. 

Love you. Ingat ka lagi. God bless

Sunday, March 20, 2011

my heart is ur shelter

Hi hunhun,

Nandito pa din ako sa Kephilco ngayon. 2 pm na dito. Wala pa masyado pumapasok na empleyado para mag pa BP at humingi ng gamot. Pinanood ko yung Shelter, Jackass 3D at Up. Maganda lahat. Panoorin mo din ha.
Hindi ako nakapunta sa inyo kagabi. Akala pala ni mamita nasa PLP ako. Eh sinabi ko na last week na hindi ako makakapasok sa PLP kasi wala na kami classes and completion na kami. Akala nila nasa PLP ako kaya pinapupunta nila ako sa Pari. Magliligpit ata. Haaaaaay. Love you so muchee. So may things to do this coming week. I'm hoping that everything will turn out okay. I miss you hun hun. Ingat ka dyan lagi!

Thursday, March 17, 2011

Happy 3 yearz and 1 month

Hi hun ko,

Kanina nagpunta ako sa Rizal Provincial Hospital para kausapin ang chief nurze doon. Mag I-Intensive Clinical Practicum ako dun. 1 week un. Tapos dumiretso ako sa Cubao. Grabe kapagod. Lakad ng lakad. Madami ako nakausap dun na nurses din, kukunin na licence nila. Sana ako din. Kaso wala na daw slot. Baka for October pa ulit pero wala pang schedule. Mabilis daw talaga mapuno. Haaaay. Hun gusto ko na talaga mag abroad at ng makaipon na ako. Nahihirapan na ako. Parang wala akong kwenta. Nahihiya na ako sa mga tao sa paligid ko lalo na sa mga magulang ko at sayo. Bakit ba ganito. Kahit anong puyat ko. Kahit na anong hirap at stress na inaabot ko sa araw araw eh hindi ko pa din nararamdaman ang positive side. Ewan ko ba. Na ppressure ako ngayong taon na ito. Ang hirap. Dami pang requirements sa MAN. Ang dami kong pangarap, wala pang natutupad. Ang haba na masyado ng panahon na dumadaan. Paiksi na ng paiksi ang pasensya ko.Ang malas ko talaga. Minsan nga iniisip ko na lang may plano ang nasa Itaas para sa akin na hidni ko pa lang nararamdaman. Pero hun, ang hirap mag paka plastik sa sarili. Yun ang pinakamahirap gawin. Kailan kaya ako mag lelevel up? haaaaaay.

Sa Pasig pala ako sumakay pauwi. Nagkita kami ni kuya Arnee sa palengke. Kinamusta ka nga. Sabi nya kasi nagkakagulo dyna. Sabi ko sabi mo ikaw ang pinagkakaguluhan haha. Naglakad lakad ako sa Megamall pala muna. Ikaw lagi naalala ko. Hindi nga ako kumain. Malulungkot lang ako. Nahilo nga ako. Medyo nalito ako saana ang papunta sa Garden haha. Sakit na paa ko hehe. Dami din new movies na showing. Haaaaaaay. Sana dumating ulit ang panahon na mag kasama tayong manonood ng sine. Hehe...
Happy monthsary mahal ko. Ingat ka lagi dyan.

6PM na ako nakauwi. Kapagod. &am-3pm pa ako bukas
I LOVE YOU. ALL THE BEST FOR BOTH OF UZ!!!!!! God blezz uz hunhun

Wednesday, March 16, 2011

Hun

Hun hun,

Hindi ka masyadong nagpaparamdam ngayon ah. Busy? Tired? Hun ko, sana okay ka lang dyan. Rest ka ha. Wag gugutumin ang sarili. Laging mag ingat sa pag cacarry out ng orders. I'm alwayz praying for you. I love you.
kakauwi ko lang. bukas 3-11 ulit ako. Sa thursday, luluwas ako. Sasama ata ang nanay kasi bibili sya nung coffee sa divisoria.Ewan lang if sisipagin sya.
Kanina pala, around 8pm nag karoon ng halo ang moon. Medyo mas malaki sya kesa dati. Natatandaan mo ba last year? Ang pagkakatanda ko nag kahalo ang moon a week before Typhoon Ondoy, tama ba?
Bumili ako ng shawarma kanina. Tumakas sa duty, nagpasama lang ung ka duty ko kanina sa savemore. Kaharap lang ng hospital. Sarapng shawarma. Diba uso yun dyan? Di masyado toxic kanina. Luv you

Misswah. God blezz.:))

Sunday, March 13, 2011

Weekends @ 2 different milieu


Linggo@Kephilco
2:15 Pm
Hi hun,
Nandito pa din ako sa Kephilco. 6:15 am na ako nagising. Ginising pa ako ng nanay. Late na kasi nakatulog.
Napanood ko na yung "Devil". Maganda. Then, I watched 127 hours, maganda din. Yung Eternal Sunshine of The Spotless Mind made juts gave me a headache but it is good. Pinanood ko din yung The Legend of The Guardians, pero pinutol ko din kasi mamaya marami na tao dito hindi ko na matutuloy. Sa hawz ko na lang papanoorin. Mukhang maganda kasi. Napupu pa ako kanina dito sa clinic. Sumakit tyan ko. Na excite sa "devil". Yung devil dito na babae, parang sya yung gumanap na Ms Umbridge sa Harry Potter? kamukha.
Sabado @ Lupang Pari
Yesterday pumunta ako sa inyo. Nagkita kami ni mamita sa GE sa Mercedes. Tumingin sya ng mga Monitor ng PC. Malalaki  naman. Old style. Malakas sa kuryente sabi ko. P500 isa. Sabi ko may mga flat screen na ngayon na mura lang. Kasama nya si papa pero hindi ko sya inabutan dun kasi pinapunta nya ng Jolibee para ibili si teletabit ng fries at para mauna na sa hawz para bumili ng ulam at baka nag iiyak na si travis. Iniwan kasi nila. Nag pa check din si mami ng FBS, Crea, BUN sa Alfonso sa Mercedes. Pag uwi namin, naharang pa si mami ng kapitbahay nyo at nag chismisan pa sila. Kaya ako muna pumunta sa hawz. Gising na si teletabit suot yung fatigue na shorts mo kaya parang nakapalda. Hinahataw ang pintuan ni hershey. Inaasar si hershey. Si papa umalis na daw. Ang likot likot ni travis sobra. Pag dating ni mami sinabihan ni nmami na wag malikot. Kaya daw hindi na ako pumupunta sa inyo kasia ng likot nya. Haha. Sumagot ba naman ng "Pakielam ko ba dyan." Haha si teletabit marunong na sumagot. Mukhang mana sayo haha. Natawa na lang ako. Si papa naman binilinan pala na bumili ng kanin at ulam. Aba't walang binili pati tinapay wala. Wala din yung front page ng Philippine Star na bulletin na nakuha nila sa Jolibee. Ipagmamalaki pa naman ni mamita yung pic ng Japan Tsunami. Akala namin kinuha ni papa. Tinawagan ni mamita wid gigil. Wala pa daw si papa till noon sa Crossings, haha. Naligaw daw ata. Tinawagan ulit nung hapon. Wala daw sa kanya yung front page. Baka naiwala lang nilang dalawa. Nakipag chat kami ni mamita kay ate grace at ate daisy. Pawala wala nga kasi nag loloko ang net. Pati net nila. Kahilo. Wala pa ding tigil ang Lindol sa Japan sabi ni ate daisy. Si kuya yochang nasa rescue team. Wala pa daw sila balita dat tym kung nasaan na sya. Si ryo daw galit na galit kapag mabagl kumilos sina ate d. Haha. Lagi sila nagtatakbuhan kapag lumilindol. Thank hun sa pag aalalal din kay kenedy ha. Okay nman daw sya. Hindi nga daw nya alam na may nangyari na that time. Then nung dumating ka ganun pa din yung net, pawala-wala. Yung celphone ko pala guess what. Wga ka magagalit ha!!!!!!!!! Nalag lag sa bowl nyo! buti malinis. Nalaglag kasi nasa pants ko. Eh maliligo ako kaya sinampay ko eh andun cp ko kaya nalaglag! Shoot sa bowl. Alam ko naiinis ka haha. Ayun hindi gumana. Kainis.Nag papabili nga ako kay kennedy, Pa-joke lang naman. Sabi ko sira cp ko. Wala daw cp dun, naka linya lahat. Oo nga pala hehe. Buti nung hapon gumana na. Tumatawag ka pala. Alam ko galit ka. 5 missed calls nga eh. Nakatulog kami nina mami at travis. Pati nawala din yung connection ng net. Tinext q na din pala yung celphone ni mami sa chikka mo. Sana na receive mo para ma ka receive na din sya ng messages mo from the net. Sabi ni mami mag bubusiness daw ng computer shop. Tayo daw may ari, hindi daw si kuya. Si kuya daw tagapamahala lang. Haha. Lalagyan din daw yung taas ng kusina ng sahig at yung bubong lalagyan ng butas. Parang attic. Para daw may daan papunta sa Tanke at para may bodega kayo. Yung maliit na kwarto kasi tutulugan na. Ipunin daw pera mo para daw sa mga toh at para pag aapply mo abroad, sa Canada if ever. Tumawag si ate grace sa haws at nangangamusta. Kinuwento yung FB profile ni ate rhona. Nakapanty lang daw si ate rhona. Yamot na yamot si mamita. Pinahanap sa akin haha. OO NGA! ginagaya pa daw si royalty.
Naghilo daw sya noong ash wednesday pero nag simba pa rin sila. Nagsimula daw yun nung nag wala yung negi. Ang ingay daw kasi. Napagod din daw ata sya at sumobra sa pag kain kaya ayun nag pa lab test.
Nakakalungkot everytime uuwi ako. Nararamdaman ko malungkot din si mamita. Kinuha ko result ng Lab tests nya. Normal lahat. Nag pabili nga ng shake, pandan flavor., Wag ko daw sya ibibili kung mataas sugar nya. Eh normal naman. Kaya binili ko sya. Bumili ako ng small na pandan, black forest at melon flavored shake at buy one take one na cheeze burger. Iba na ang nagtitinda sa Joey's Burger house. May bnakabili na din daw pala ng bahay nina ate gina. Hindi ko na lang masyado tinanopng si mamita. Akin yung melon! Aba't sabi ni mamita eh kay Royalty na lang daw. Haaaay. Ayaw ni teletabit ng choco shake. kaya yun ang akin. Hmp. Hehe pero oki lang. Binili ko nga pala si Travis last friday ( march 4, 2011) ng Sao Sao, parang yung Yum Yum dun sa palengke. Dun sa Nagtitinda ng mga imported chocolates sa harap ng tindahan ng mga bulaklak. 10 cups ata yun. P50. kala ko masarap eh. Aba't pag dating ko yesterday sabi sa akin lasang gas. Haha kahiya naman. Sabi din daw ni royalty, sbai ni mamita. Natatwa ng si mami. Okay lang dun yun. Binigay nya din daw kay hershey yung iba hehe baka daw kasi abutan ko pa, nakakahiya. Yung binili ko daw na bulaklak last week, hindi pa lanta. Bakit daw pag ako ang nagbibigay ang tagal malanta? haaaay.
Yung buhok ko daw hindi maganda. Parang pinipilit lang daw maging tomahawk kasi ang iksi. Ang tagal ng ahumaba. Mas maganda daw yung gupit ko beofre etoh. Nung nag pahighlights daw ako. Haha, syempre sya nag recommend sa akin nun ng gupit at barbershop na yun hahaha.

Bumili ako ng burger at shakez...:))


Lagi ka namin pinag uusapan. Nasasamid ka ba? Sana maging ayos ka dyan lagi. Alam namin ngayon tulad namin medyo naninibago ka pa din. Darating din daw ang time gugustuhin mo pa mag balik dyan. haaay. Wag daw ako aalis ng bansa na hindi ka pa umuuwi kasi mawawalan ka daw ng gana umuwi haha. Tapos Hindi ka daw selosa. Sabi ko "Kung alam mo lang mami". hahahahahha.
Kagabi 8 pm na ako umalis sa inyo. Sa Ynares Center yung Grand Finals ng Talentadong Pinoy. Ang daming tao. Rinig nung dumaan yung jeep na sinasakyan ko. Buti hindi na traffic kasi nasa loob na mga tao. Mag sisimula na. May mga ambulance nga eh. May nasalubong pa kami, mukhang galing doo at may lamang pasyente. Nong nakauwi ako, mag sasayaw pa lang yung unag contestant, yung fire attraction. Grabe ang ganda ng mga presentations nila. Ewan sino mananalo pero bet ko yung sfashiva at new born divas. Magaling din yung The Artist. Basta magaling lahat. 1pm na nga ako nakatulog. Mamaya pa lang iaannounce ang winnes.
Birthday pala ni tetay ngayon. Pupunta ako sandali sa kanila. Dinner party daw. Nakakalungkot nga kasi dapat swimming kaso kamamatay lang ng lola nya, as ive told you last time.
Miss na kita. Sana maging maganda na trabaho ko. Sana makaya ko ang hectic sched ng buhay ko ngayong taon. Sana makapag abroad na din. Love you.

Saturday, March 12, 2011

Tsunami sa Japan

Hunhun,

Nasa duty ako kanina nung nag kagulo dahil sa news na may lindol at tsunami sa Japan. Last time sabi mo normal lang lindol dun. Naku ngayon mukhang naging exaggerated. 300 plus na daw ang patay!
Buti walang masamang nagyari kay na ate at kay kenede. Nag alala talaga ako kanina. Medyo nawala ako sa sarili ko sa duty. Salamat hun sa help ha sa pag contact kay kenede. Nakakainis nga kasi hindi agad sya nakipag communicate. Nasa work ata sya. Itinaas din ang tsunami warning sa Pinas hanggang Alert 2. Ngayon ibinababa na. Sunod sunod na ang mga nangyayaring disasters and war sa ibat ibang panig ng mundo. haaaay. Dasal tayong lahat lagi. Ikaw din mag ingat ka dyan. Nasa KSA ka, medyo delikado din dyan. 

Bukas pupunta ako sa inyo. Uuwin din sa gabi dahil duty ko sa KEPHILCO sa Linggo.

Love you hun ko. God bless. Pray tayo lagi...:))

Friday, March 11, 2011

Ozang

Hunhun,

Ikaw na si ozang. Wala lang. Mula un sa name mo na roze hehe. Mamaya 3-11pm ako. Wala ako pasok buaks. Pupunta ako sa inyo. Sasamahan ko si mamita, magpapa lab test daw sya. Medyo naghihilo sya. Pero okay naman daw sya. Malamig ngayon dahil daw sa tail of cold front. Sana ganto lagi. Miss na kita.

Ingat ka lagi dyan. 20 movies na na download ko. Di ko pa watch ung "Devil". Gusto ko tutok ako pag watch para matakot ako hehe. Nakatulog nanaman ako kagabi na bukas ang laptop. 

Love yah

Wednesday, March 9, 2011

DAPAMILYA

Hi usta na hun hun?

Miss na kita. Sakit ng mata ko now. Puyat...3 am na natulog. Hindi ko pa natapos yung Dalaw.
Sana natuwa ka dun sa site na i shared with u. Hehe. Dahil dyan medyo hindi mo na mamimiss ang pinoy TV programs hehe. Love You.
Kinabahan ako nung na rinig ko news na nag kakagulo sa KSA. Buti okay ka lang. Ingat ka lagi ha. Lagi mo ako text para hindi ako nag iisip na nasa delicate situation ka. Mwah. 
Mamaya 11-7 am ako. May nakikipag palit kanina ako daw mag 3pm. Kaso tumanggi ako kasi puyat ako sabi ko wala ako sa hawz haha. Sakit sa ulo. Off ko bukas tapos 3-11 ako sa friday. Wala ako pasok sa saturday baka visit ako sa inyo. Sa Monday Off ko. Sunday Kephilco. Sa Lunes go ako sa RPH or sa Angono Medics para mag inquire ng practicum ko. Pupunta na din ako sa Cubao para mag inquire sa EMT.

Hun nalilito pa ako if mag comprehensive exam na ako this MAY. Sa end of April pa kasi end ng 3rd sem. Yung comprehensive examination mahirap yun. Baka hindi na ako maka pag review. Kinakabahan ako magtake. Pwede naman sa December kaso ang tagal. Try ko mag Take ngayong MAY. Love You. Pray tayo lagi ha...u
Ingat lagi and God blezz.

Sunday, March 6, 2011

Movie Marathon

1:30pm

Hi hun siguro pa uwi ka na now. Alam ko puyat ka kaya matulog ka muna before anything else hehe. love you
Natapos ko na chain letter kanina lang. Bitin!
YUng Flipped ang ganda. Teenage romance. Maganda din yung The good son. Akala ko drama. Suspense din pala. Yung sorcerer's apprentice maganda din. Nakakatawa!
Sa susunod na mag dodownload ako hahanap ako ng may subtitle like yung mga pinanuod ko para kahit mahina volume ng laptop ko.

Love you

Saturday, March 5, 2011

Tagal

Hunhun,

Hun, nakakainis kasi imposible pa ako maka earn ng MAN degree ko this year. Sa December pa comprehensive exam ko. Tapos after pa nun ang thesis writing. Sana maka pag abroad na din ako. I love you. Kagabi kumain kami nina mami at trav at yal;e sa jolibee rustans. As usual may dala si mami na tupperware with rice at nag pa buy sa akin ng coke. Yamot nga kasi coke zero lang avilable sa rustans eh ayaw nya nun haha. Bucket meal kinain namin. tig 2 kami haha. Halos 3 nakain ko kasi yung tira nya pinakain nya pa sakin kaninang breakfast before ako pumasok sa MAN.

Mag ppracticum na ako. Baka dito na lang anko sa Rizal Provincial Hospital mag practicum. Hospital na lang lahat kesa hospitala at skul. Pwede naman daw. After nun mag hihintay pa till december para mag exam. Tagal pa haaaay.

Sa July sana maka pag EMT na ako. Gusto ko na fly. Tyatyagain ko na din tong TGH para may edge pa din ako sa hospital as nurse sa abroad if ever. I loe you hun. Kanina pala miss na miss na kita. Pag ka gising ko, si travis ang kaharap ko. Haaaaay.

Miss you.

Friday, March 4, 2011

PLANS

Hi roza ko,

Alam mo ba kinakabahan ako para sa lahat ng mga plans na meron tayo ngayon? Sana lahat yun mag katotoo at maging maganda ang result. Sana talaga hun kasi marami akong gustong marating na para sa kinabukasan nating lahat. I love you roze. Pray tayo lagi hun ko.

May sakit din tay ko. Atheromatous aorta. Wala namang masyadong manifestations pero may mga gamot na sya. alam mo garlic capsule? isa yun sa reseta sa kanya. Haaaaay.
Gusto ko na ng big changes for the best.
Mag ka stable job na sana ako. Love you
(.!_!.)
Mwah.

Thursday, March 3, 2011

EMT

Hun ko,

Medyo nainis ako sa'yo kasi di mo magets sitwasyon ko. Sinasabi mo pa na binabalewala ko suggestions mo. Alam ko naman kasi yun. At gustong gusto ko yung alok nyo ni kuyta Don. appressure kasi ako dahil sa TGH at sa MAN ko. Sayang din kasi yung isang taon sa TGH. If ever pwede ko din magamit yung 1 yr experience ko s ahospital na tuluy tuloy. Tapos ang hirap maghagilap ng salapi ngayon. Buti etoh sabi ng nay tutulungan daw ako nya via kennedy. Haaay naiinggit ako kay kennedy kasi okay na sya. Sana ako din. Gusto ko na kumita. Sabi nay wag daw ako mag asawa ng matanda na ako. Baka daw sa dami ko ginagawa makalimutan ko na mag pamilya. Di nya alam gusto ko na maging stable ang lahat at ng makasama na kita ng todo todo. Tong MAN ko if ever sana before ako mag training sa EMT eh MAN-c na ako or MAN if swertehin. Pero bahala na si Lord. Nawa'y tulungan nya tayo sa lahat ng mga desisyon natin. Ikaw wag ka na magtampo. Alam mo ba kung gaano ako na eexcite sa training na yan. Di mo kasi ako nakikita eh. Kala mo bale wala saakin ang lahat. Nappressure din ako, tapos naiinis ka pa .haaaay sana maunawaan mo.Di ganun kadali mag decide. Sorry sa mga nakakainis na sinabi ko sa fb chat ha.  I love you.


Ingat ka lagi. Miss na miss na kita!

Hun I love you so much. 

Wednesday, March 2, 2011

Katamad

Hi hun,

Afternoon shift ako ngayon. Nakakatamad. Medyo makulimlim. Sarap matulog. Dami pala space ng laptop ko kaya madami ako pwede idownload. Yung let me in idownload mo diba mahilig ka sa romance tapos about vampires pa. Hindi ko pa din tapos panoorin yung chain letter haha. Lagi ako nakakatulog. Kagabi di ko namalayan nakatulog na ako sa harap ng laptop. 6:30 na ako ng umaga na gising. Nanay ko ang ingay kasi dami ng bilin. Luluwas sila ng mga ka berks nya kasi mag papakain daw sa mall yung friend nila. Dapat nga pa Baguio sila, ewan if matutuloy sila this month. Nag pabili ako ng donut haha. Sana maka buy. Mamaya uwi ko 11 pm. Bukas 3-11pm ulit ako. Pwera toxic sa ating dalawa sa duty hehe. Miss na kita.

Tuesday, March 1, 2011

alwayz excited sa'yo

I love you hun,

last night hinihintay ko reply mo sa mga text ko haha. Pero okay lang yun basta alam ko na safe ka okay lang sa akin. Alam ko din super busy ka. Pero hun mag rest ka din ha. Kaninang umaga  kahait malalate na ako nag online pa din ako para icheck if nag message ka sa fb/email/blogsite ko. Pero walay haha.

Miss you. march 1 na! ilang buwan na lang mayayakap na naman kita.

Bukas 3-11 duty ko. sa Friday sana makapunta ako sa inyo ng mas maaga. I love you rozy ko. God bless


Bumili ako ng webcam kanina, P280 para sa pc namin para maka chat namin si kennedy hehe. Sumuweldo ako g P710 mula sa Kephilco yun. Sana maabsorb ako dito. May nag work daw dun 1 year pa lang umalis na dahil natanggap dyan sa KSA. Dumating na pala yung 3 units ng dialysis machine namin. Ganda. Sana mag hire na sila at ako ay isa sa mga ma hire. (.!_!.)