Maaga nagising si mami kanina. Nagtataka sya kung bakit iisang siamese na lang ang sumalubong sa kanya.
Hinanap nya sa taas ng apartment. Baka nasa tabi ni chonan. Wala.
Sa loob ng mga kwarto, wala. Sa loob ng room nina kuya, wala. Sa silong, wala. Sa labas ng bahay, sa kalye, wala. Nagtanong tanong si mami. Wala nakapansin. Wala nakakita. Tumawag sya kay ate rhona. Tinanong nya kung ano nangyari. Naiwan ba nakabukas ang gate sa baba? Wala daw napansin si ate rhona. Pero ilang beses nya daw sinaway si Papa dear na naiiwang bukas ang gate. Nang gigil lalo si mami. Tumawag sya sa Edsa. Pero wala pa si papa. Lumabas sya para maghanap ulit. Pero wala talaga. Bumalik sya para tawagan ulit si papa. Pero wala pa din si papa sa Edsa. Bumaba ulit si mami para hanapin ang pusa. Dala na nya si chika para ipakita sa mga kapit bahay baka sakaling may nakapansin kay choco. Nakita ko si mami hanap ng hanap. Galing ako lupang pari. Wala na dun ang mga umuupa. Malinis na ulit. Kinuha ko yung monitor na flat screen fro ate daisy (second hand) hehe. May nakakita pala kay papa na may dalang puasa nung madaling araw, boarder. Kala patay na kai paa lang kita nila.
Tumawag pala sya ulit kay papa. At ito ang naging usapan nila:
Mami: Hello si tito olan nandyan na ba?
Michelle: opo wait lang po
Mami: Hello! (gigil)
Papa: Oh ano?
Mami: Nasaan ang pusa?
Papa: Aling pusa? wala akong dalang pusa
Mami: San mo dinala ang pusa?
Papa: wala, puro pusa lang dito nandito.
Mami: sabi ng boarder may dala ka daw pusa kaninang umaga?
Papa: Ah pusa? ah oo, nakadalawang tae kasi eh kalalagay ko lang ng dyaryo. Kaya pinamigay ko na lang sa bausrero.
Mami: *&%$#
Mami: *&%$#
(ewan ano nangyari, yan ang kwento ni mami about sa napag usapn nila. Nasa pari kasi ako.)
Isang digmaan daw ang magaganap ngayong gabi. Nagtetxt pa si mami. Nakita daw ni yale sa megamall. (k ang siamese cat na kaedad ni choco. Nga pala kachat namin si ate g kanina. Naiyak si mami habang kinukwento na nawala si choco. Hirap na hirap si mami kasi mag alaga dun tapos ipapamigay lang basta ni papa. Tapos nag hirap pa sya mag hanap. Umupa pa ng mg mga bata. Wawa naman si choco. Dapat iuuwi ko na yun today. : (
No comments:
Post a Comment