Friday, April 8, 2011

Wawa Willie

Hi hun ko,

Napakalamig ng panahon ngayon dito. Mainit din pero iba kumpara noong mga nakaraang taon. Lagi ako nagpapainit ng tubig bago maligo hehe.

Si Willie may moment sa willing willie ngayon. Sinabi nya lahat ng mga nangyayari ngayon at mga nangyari noong mga panahon na tinira sya about sa libing ni Former President Cory. Kaya daw sya nagalit dahil sa sinabi ng taga ABS na kailangan nila kumita sa commercials kaya tuloy ang show nila. Bakit daw sila mag sasayaw ng Igiling-giling habang inililibing si President Cory. Tapos ngayon ayan sobra na daw ang kampanya para alisin sya sa Industriya. Nagsimula nanaman ang isyu ngayon sa bata na nagsayaw ng macho music while crying. Yung isinend ko sayo sa FB message. Napanood ko eh hindi naman nya pinilit yung bata na sumayaw. Okay naman eh. Ewan arte mga tao. Hindi ko rin masyado gusto si willie kaso minsan OA mga tao hehe. Yung P and G at Mang Inasal umalis na daw sa kanila as sponsor. Ayaw daw ng P and G at mang inasal sa show na ganyang show. Nabastos daw sina Willie. Buti pa daw ang Uniliver nag paalam ng maayos. Aalis daw ang uniliver sa lahat ng channel para daw fair kay willie. Binabanggit ni willie revillame lahat ng tumitira kay willie. Si tuesady, Leah Salonga, Bianca Lapus, K Brosas, Jim Paredes, Aiza Seguerra, Agot Isidro. Grabe daw sya siniraan sa Tweeter etc. Kawawa naman si willie. Wala na daw Willing Willie muna. Nagpaalam na sya ngayon. OA mga tao. Wala na tuloy palabas. Sobra daw ginagawa sa kanya. Bakit daw yung program lang nya ginaganon. Pag balik daw nya, kahit sweldo na lang daw ni willie ang ipang premyo kahit wala na sila commercials. Itutuloy daw nya pag katapos nya mag isip isip. Wawa naman. Lalabas daw lahat ng katotohanan. Di daw sya natatakot sa mga kaso if ever about sa mga sinabi nya. Kakasohan daw nya lahat tumira sa kanya bukod sa kaso ng TV5.


Haaaykz



No comments:

Post a Comment