Saturday, February 5, 2011

Sabado

Hi hun,

Eto kakauwi ko lang. Sumabay ako sa classmate ko na amy car. Bumaba ako sa crossing tapos nag walk pauntang edsa central. Doon na ako sumasakay pa Tanay para mura pamasahe. Mabilis pati kasi puno na. Isa pa, kapag nag junction pa ako dadaan pa ako sa kapasigan, sa San Miguel. Hindi naman ako pupunta sa inyo. Mamimiss lang kita ng sobra. Miss na miss na kita. Hindi na ata matatapos tong pag kamiss ko sayo. Si mami kanina ba naman nakatanaw pa sa akin pag alis ko. Tapos sabay text, parang andun na daw ikaw sa haws kapag andun ako. Lonely daw sya. Lagi ko na lang sya tinetext. Swerte nga kasi kagabi nung may bad news eh andun ako. Somehow na didivert ko atensyon nya by my kakulitan hehe. Si yale ayun, nag mumurahan sila pag lalalaba. Si yale taga banlaw. Hindi naman sya masyado sagot pero pag nagsalita matalas. Hehe. Si mami naman hindi na masyado patol. Tipikal na murahan. Haha.
Si travis ganun pa din ka kulit. Hun miss ko na mga Sabado nights natin. Sobra. Ayaw ko maging malungkot ka pero yun ang totoo, sad ako now. Haaaaaay.

Ano nga pala name nung pusa na black na kapatid ni chobits na tinapon daw sa may shangrila mall? Naalala ko kasi noong nag hanap tayo sa sulok doon one day na na[adaan tayo. Ka bwiset ka dami ko naalala sa mg aidnadaanan ko bout sa old times natin.

Miss na miss na kita hun ko. 7am pa ako bukas, sana hindi ako malate. Kephilco ako bukas.

No comments:

Post a Comment