Sunday, February 27, 2011

Nandyan na ako!!!!


Kung ang presentation na ito ay magkakatotoo, anong saya ko.:)
Pupuntahan kita dyan sa Saudi at mamamasyal tayo sa tuktok ng everest tapos dun na tayo titira. Papainitin natin ang tallest mountain. Love you...hahah

Sana

Hi hun hun,
(9AM)
Nandito ulit ako sa Kephilco.
Malamig as usual. Mag iingat ka dyan lagi. Grabe pala ngayon ang war sa Libya, Bahrain, Yemen. Nakipagsabayan pa sila sa Egypt.
Talentadong Pinoy'z grad finalz na next week sa Ynares Center sa Antipolo. Sayang di mo mapapanood. Sabagay last year hindi mo din napanood kasi nag trabaho ka kay na ate baby tabeta kaya late ka na naka watch.
Last class na namin yesterday sa MAN. Next week submission ng requirements sa clinical teaching subject (Evaluation tooll at teaching plan, Headnursing Topic ng group namin). Tapos next week din orientation namin para sa intensive practicum namin. Dapat daw before mag end ang april na complete na namin ang hours ng practicum namin both sa hospital at college of nursing. Sana payagan na sa Tanay General na lang ang hospital ko. Kasi parang nag aarte, tertiary daw dapat. Pero sabi ko mag kaka dialysis na dun sa TGH. Titignan daw nya. Tsk, mukang nalalayuan si dean namin kasi bibisitahin daw nya yun eh. Basta arellano-pasig ako sa academe practicum ko. Haaaayz. Then after nito mag cocomprehensive exam kami. Parang board exam to, kaso essay lahat. Tapos thesis writing naman. Sana before matapos ang taon MAN na ako, para sa March 2012 ggraduate na kami at makakaakyat na sa stage. Or if not, sana before matapos ang taon makapag abroad na din ako. Si Kennedy sosyalin na ka Sony Vaio. 10 lapad daw. Umutang sya 5 lapad. Adik yun. Tapos japanese pa yung nakainstall. Sabi ko mahal mag paconvert. Ang sagot ba naman, okenomochi...tama ba? haha nakalimutan ko na eh. Pero parang ang ibig sabihin nun "may pera ako"..ewan. ano nga ba?Sabi ko padalhan ako pera, bibili ako laptop haha. Nakakainggit kayo, kahit paano sure na future nyo kasi maganda na trabaho nyo. Pero alam ko nahihirapan ka. Tyaga lang. Ako nagtytyaga pero wala salapi haha. Kaya swerte nyo. Galingan nyo. At ikaw mag ingat ka. I Love You.
Yung mga kuting ang lilikot. Iuupload ko pictures next week.

Luv yah...:))

Saturday, February 26, 2011

Mami and Roza

Natatawa ako kay mami dyan. Kala nya nipple yung nasa background mo haha. Love you roza ko. Mizz na mizz na kita. haaaay Sana mag katrabaho na ako... Hindi na kita pag tatrabahuhin. Magkaka roon na ako ng dahilan para pigilan ka mag pakahirap. Nahihiya ako sa'yo. Mwah

Hematoma

Love you hun. Kitams talagang tayo sa isa't isa. Pareho tayo may pasa haha. Something connectz us...:))

Thursday, February 24, 2011

Huntok

Mahal hun,

Hun ko, kainis ang skype hindi tayo makapag usap ng maayos.
Nakatulog ako saglit. Sumakit leeg ko. Kapagod hun.
Mahal na mahal kita roza ko.

Oo tinatanong kita if nagsasawa ka na marinig yung mga salitang ganon,..ganon..hmm yung ganon,.."i love you" hehe,..kasi baka nag sasawa ka na
Kasi pag ako nagsabi totoo yun and with feeling awww. haha

I roze you roze,..(roze is eroz) weh. I love you roza ko...ingat ka lagi ha. Wag magpupuyat. Mas natutuwa pa ako kapag natutulog ka ng maaga.Si sir jun pala wala na sa Arellano. Super dumi daw ng academe dun ngayon. Haaaay.
Ka chat ko sya now. Minsan kwento ko sayo details. Love you mahal hun ko.

Wednesday, February 23, 2011

Jollifloat

Luv u hunhun,

Inggitin kita ngayon haha. Nagpabili ako ng Jollifloat at burger and spaghetti. Bago yung Jollifloat. Ginaya yung sa Mcdo. Pero alam ko nag karoon na ng float dun dati, tama ba? Luv you roza ko sana pag uwi mo jolibee tayo haha. Miss na miss na kita roze ko....

uwi ka na.

Wag Ganun!

Mahal na mahal ko,

Kaw talaga niloko mo ako kagabi. akala ko pati place nyo nadamay na sa gulo dyan sa Middle east. Hun ko (.T_T.) lagi ka mag iingat wag ganun, pinapakaba mo ako. I love you roza ko. Alam mo namang mamamatay ako kapag may nangyari sayong masama. Isa pa, bakit dinidiscourage mo ako sa TGH. Syang naman mag 3 months na ako dun sa katapusan. Tyagain ko na lang din para naman may experience na din ako na tuloy tuloy. sana maabsorb na ako. Kitams kumikita naman ako kahit less 2 thou a month galing sa Kephilco. alam ko mabibigyan ako magandang COE dyan kasi diba may siodelinbe ako at alam ko magbibigay sila working certificate. Sana mag open na dialysis kainis para mag hire na sila. Ganda ng OPD namin may computer na haha. Kami na nag iinput/encode ng patient kaso hindi flat screen haha. Miss na miss na kita. Tyinatyaga ko na nga kung ano meron ako now, kahit medyo nalalabuan pa ako kung ano mangyayari pero sana maganda ang resulta ng hirap natin. Lagi puyat, toxic, magastos, haay lahat na ng hirap sana talaga maging maayos ang lahat. God bless us hun.

Love you. Mahal na amhal kita. Wag ka kailanman mag dududa sa pagmamahal ko sayo. Miss na miss na kita roza ko. (.T-T.)

Tuesday, February 22, 2011

Earthquake

Hun howdy?

Lumindol pala dito. Intensity 4 daw. Hindi ko naramdaman kasi tulog ako. Hindi naman daw kaugnay sa lindol sa New Zealand. Dami namatay sa New Zealand.  Ikaw lagi ka mag ingat dyan. 

Miss na miss na kita Roze ko. I love you. Pray lagi.
11pm-7am ulit duty ko. super sneeze nanaman ako hun. kainis.

Blind


I caught you staring at me
and it made me feel so crazy
I never expected that you will complete me
Cause, once, I was blind, dipped in immaturity.

For Three years, seven days a week
I'm awful as a million of geeks
I didnt share a glance with you
caused My eyes were once, a blind duo.

am I blind, or im just a fool
am I blind, or i just lost my soul
You always show me your caress
But I kept my day with you, emotionless

Four chambers of my heart were blocked
with plaque of stupidity which kept it locked
"Till the day came and you washed it with warmth
You opened it, you embraced my heart.

You opened my eyes profoundly
You removed my shades completely
Now, I can see your intense beauty,
You helped me to see the world widely.

Remember this poem i created, MAY 25, 2008



Monday, February 21, 2011

Missing you...

I miss our immature fights, then you will cry,and  I will hug you so tight, whispering my sorry :)

Huwowwww


Hi hun, nanonood ako Face to Face ngayon. Maganda. Hehe Nakakatawa si Amy Perez.


Sunday, February 20, 2011

(.T_T.)

I Hate this feeling
Eto ang pakiramdam na ayaw ko. Kapag naiisa lang ako at hindi masyadong busy, lagi ko naaalala mga kalokohan natin. Eto na naman at nalulungkot na naman ako. Nakakainis. Miss na miss na kita. Hindi ko talaga maiwasang malungkot. Hun ko I love you so much.

Mag ma-March na. Sana mas bumilis pa ang araw. 

Tulo Saliva

Hun,


                Diba sa Crossing na ako sumasakay pag pa Tanay ako after MAN class ko? 20 minutes palang ang nakakalipas tulo na laway ko. Nakatulog pala ako habang nakayuko sa backpack ko na bigay mo. Nagising ako basang basa ng laway ang mukha ko, from lips hanggang chin. Nakakhiya pero mukhang wala namang nakakita kasi medyo madilim, siksikan kami at mabilis magmaneho si manong driver. Akala ko nga near na ako Tanay kasi parang ang haba na ng naitulog ko kasi tulo na laway ko haha. Yun pala wala pang 20 minutes from EDSA and nasa junction pa lang ako. Pagod na pagod lang talaga. At eto pa hindi ko mapunasan ng panyo mukaha ko kasi nasa bulsa ko panyo ko. Eh siksikan, hindi ko maitaas mukaha ko kasi basa nga. Ayun Natuyo lang laway ko hahah. Kadiri. 
                 After ng Defense diretso ako sa reporting sa second subject. Hindi ako prepared binasa ko lang nung nandun na ako sa class and okay naman. Kahit walng powerpoint eh okay naman yung ginawa kong discussion hehe. Love you roza ko. Everytime na napapadaan ako sa Mang Pepe na fast food (yung sister company ng jolibee) sa Crossings, naalala kita at napapalingon ako dun sa inupuan natin dati doon. Grabe hun miss na miss na miss na kita roza ko. I Love you Roze. 

AU-Pasig Did It!!!



Hunhun,

                Roza kamusta ka na dyan? Nandito ako ngayon sa Kephilco. Antok pa nga ako. Nakakatamad bumangon kanina. Parang pagod na pagod ang katawan at isipan ko. HUN, miss na miss na kta. Lagi ko pinagdadasal na walng mangyaring masama sayo dyan. Sana hun maging maganda na din buhay ko, yung sulit ang pagod at hirap. Sa ganitong systema at proseso na nagyayari sa buhay ko ngayon, parang lugi ako haha. Ewan lang o baka may na katalaga lang talagang buhay para sa akin na hindi ko pa natatamo. Ang galing ng Arellano- Pasig! may Top 9 sila at madami passers. Haaaaay sana mag ka work na ako.

Sana mag kasama na tayo ulit. Miss na miss na kita Roze.

I Love You So Muchee...u

Note: Ginawa ko to sa word sa kephilco kanina. Wala internet kaya wasn't able to post it.:)

Saturday, February 19, 2011

Eyebagz

Hun ko,

watta super laki ng eyebags ko. Grabe walang tulugan this past few dayz. Ngayon medyo makakatulog na ako. Tapos na oral defense namin kanina. Okay naman hhe. Haaay. Ntapos din. Gagawin na lang yung pang hardbound copy. I love you hun. Miss na miss na kita roze. 

Bukas sa Kephilco nanaman ako. Love you roze. Roze ko wag ka masyado masungit ha, para lagi ka happy. Vitamins ka lagi dahil grabe ang trabaho mo dyan. I love you hun ko.....

Thursday, February 17, 2011

HAPPY 3 YEARS HUN KO

HUN KO!!!!!

Mahal na mahal kita roze. Bakit kasi kailangan pa nating mag kahiwalay. Kailan ka ba talaga uuwi? Wala nag aalaga sa akin dito. Kailan kya matatapos lahat ng ito. Ang hirap....kahit anong hirap ko parang andito pa din ako.(.T__T.) Sabi mo gusto ko lang magpakamatay sa ginagawa ko...hun ewan ko nga ba kung bakit ganto nangyayari. Ang hirap hirap. (.T_T.)
Sana lagi mo ako mahalin kahit ganto lang ako. Sana talaga maging maayos ang lahat.
Hun ko Mahal na mahal kita.
I LoVE YoU sO MuCh!!!!!!!!!

Lahat Hun ginagawa ko hindi lang din para sa akin,..kahit anong hirap hun ewan paano ako nagtatagal . Ang hirap hirap.Parang toxic na toxic ako sa buhay ko pero hindi ko makita yung bunga. Araw araw ako nagtyatyaga mapuyat, walang off, kahit gusto mag sty sa inyo di ko na magawa. nagpapasama nga mami pa check up daw papa sa tmc hindi ko masamahan.Pero hun bakit ganto mag tatatlong taon na ako ganto, lulutang lutang. Sana marating ko na yung kung saan ako dapat. Hun ko, ang lungkot ko sa mga oras na ito. Ang dami dami ko gustong tanggalin sa sarili ko na lungkot pero bakit parang hindi maubos. Kainis.

Love you Roze

Happy 3 years sa atin. Sobrang mahal na mahal kit roze. Lahat ng mga ginagawa ko hindi lang para sa sarili ko at sa pamilya ko,..kung hindi para din sa yo Roze. wag mo isiping selfish ako tulad ng sinasabi mo dati. Kung selfish ako, mag aabang na lang ako sa mga biyaya sa paligid ko. Ewan pero work ako ng work di ko pa ramdam biyaya haha (sorry po Lord).:))

God blezz us

sa susunod ulit hun ko.
Lagi mo ako visit dito sa site na ito. Dito ako nakatira...:)

Wednesday, February 16, 2011

MINUTES to GO

Hun ko,

Nandito pa din ako sa Makati now. Hirap nitong project namin, pamatay. sana maging successful. May reporting pa sa sabado. Sabay sabay

Hun ko ilang minuto na lang,...3 years na tayo!
I love you somuch. Sana wag mo hilinging mamatay ka kasi ako ang natatakot na mawala ka. Mahal na mahal kita at miss na miss na kita. Wag ka mag alala,..loyal ako sayo, faithful and honest. Trust and Love ang hawak natin ngayon. Mahal na amahl kita and no words can explain how i feel, how i love you.

Lagi ka mag iingat, yun prayers namin ni mamita lagi. See you so soon!

Bukas ulit hun ko. God blezz uz :))

Tuesday, February 15, 2011

Stressed

Hi hun,

Nandito ako ngayon sa Makati. Gumagawa ng project sa Curriculum Development subject namin. Grabe ewan if matatpos namin to ngayong magdamag. Hehe.

****Tomorrow na ako mag write here****

Monday, February 14, 2011

VALENTINE's DAY

hi hun ko,

Okay naman naging araw ko kanina sa duty ko. Superrrr toxic talaga pag Monday.
Kinausap ko doctora na nag oprder ng charcoal lavage. Okay na daw buti pumupu ung patient. Ewan waaah.

Lamig ngayon. Lalo wala ka, malamig ang Valentine's day ko. Miss na miss na kita. Bukas pupunta ako makati dun kami gagawa ng project after ng duty ko ng 7-3pm. Overnight yun. Pray for our success ha. Love you


Kanina binigyan ako ng doctora ng TGH ng valentine chocolate. Goldilocks.

i Love You Roze ko.....God blezz

HAPPY ILOVEYOU DAY

Hun ko mahal na mahal na mahal kita!!!!!
Miss na miss na kita. Eto ang unang valentine's day natin na magkahiwalay tayo mula nung maging tayo.
Lagi ka mag iingat dyan ha. Lagi kita pinapagpray. Lagi kitang minamahal.

Miss na miss na kita!!!!

Happy 2nd bday kay kylie,..the teddy bear hehe...

I LOVE YOU!!!!!! (.!_!.)

Sunday, February 13, 2011

You will alwayz be...

Love you rozy,

Dito pa din ako sa Kephilco right now. Ginaw. Nakak stress ang defense namin haaay. Bukas pala valentine's day na. HAPPY VALENTIN'z Day. You will alwayz be my valentine girl...wohoooo.
Magpupuyat nanaman ako mamaya. Buks 7am ako OPD-ER. Toxic kapag Lunes superrr..uber ika mo nga.

Naku sabi ko sayo mag ingat ka dyan. foreign country yan. Baka kung ano punishment ihatol sayo. Haaay. Hun ko i'm alwayz praying sa safety mo. sabi ko nga sa yo na ang 90% ng kaligtasan ko. 

Mamaya ulit.. if may time ka. Chat tayo kahit sandali. 

Love you

Saturday, February 12, 2011

Schedule

Huhun,

Hirap ng schedule ko ngayon. Super toxic ng buhay ko pero carry lang. Buti nga super busy ako pero less na yung time na makakapag stay ako sa lupang pari. Miss na miss na kita roze. Kanina mga 4 pm umuwi ako sa pari. Andun a yale nag bibihis.. May duty. Nag away daw sila sabi ni mami dahil kay travis. Kinuwestyon ata ni yale si mamita kung bakit si mami ang nag aalaga kay trav. Ay ewan. Pumupu din ako pero onti lang at naligo. Yun pa din yung towel ko dun sa body at mukha haha. Malinis pa naman. Amoy rozy pa. Miss na miss na kita.
Makikipagpalit sana ako ng sked. May duduty sa akin sa Kephilco bukas kaso mag 11-7 am ako bukas hanggang tuesday. Baka hindi ko kayanin. Dami ko gagawin. Sa tuesday baka maka mag overnight kami sa haws ng mate namin. Gagawa nitong hypothetical school of nursing. Kapagod hun.

Valentine's day na sa Monday. Anniversary na natin sa Thursday. Haaay Miss na miss na kita roze ko. (.T_T.)
Malamig ngayon dito sa house namin. Sarap matulog. Masarap may kayakap.
Hinahanaphanap ka ng buong kenneth e. librea.

Friday, February 11, 2011

Sad all of the sudden

Hun ko,

Near na valentine's day, near pa 3rd anniversary natin. Bigla akong nalungkot. Bigla kitang namiss
Hindi ako makakapunta sa inyo this week. Maybe sa next week na. Dito ako manggaling sa amin kasi naggagawa kami ng project pa skype. Luv you roze.

Ang init na talaga. Summer na. Malapit ka na umuwi. ingat ka lagi

Summer is Here

hun ko,

Interesado ako sa offer ni Kuya Don. The problem is wala pa ako hawak na bente mil. Tatapusin ko muna tong MAn subjects ko then go ako dyan.
ang init na dito. Bumili kami exhaustfan kanina. Next time na lang ikakabit. P1000 plus ang price sa savemore. Sale kaya P900 plus na lang namin nakuha..  Luv you.

Nakita ko pix nyo nung nag shopping kayo. haha Mall ba talaga yun. Weird.

Luv you roze. Miss na kita. Ingat ka lagi

Thursday, February 10, 2011

What a Day?!!

Hi hun,

Grabe hun, super toxic ng araw ko kanina sa hospital. Nag start ako as OPD-ER tapos half day Ward. Hay naku, nakakapagod talaga.

Eto pah. Nag activated lavage ako kanina s apatient na nagtake ng 12  diazepam tabs. Groggy sya kahapon. Nilagayan ng NGT. Kanina nga nag order ng charcoal lavage. Okay naman. Then, may order din ng sodium sulfate , p.o.  30 minutes after ng lavage. Pagbalik ko sa ward wala na yung derug. Haaaay. Terror pa naman yung doctora na yun. Tinext ko sya if nadala nya. sabi kasi ng patient parang may dala daw si doc nung paalis na. Tagal mag reply. wala daw sa kanya. Tapos sabi ko ano best thing to do. 4:30 na kamusta naman wala pa ako na chchart sa ibang patients ko! waaah. Nag reply after decadez haha. Just wish na mag normal BM daw yung patient para mailabas yung charcoal. Sabi ng patient na kay doctora daw. sabi naman ni dra nasa chart daw. haha ang gulo. 

Miss na miss na kita

7 days to go 3 years na tayo. sad kasi wala ka sa tabi ko hun.

Ingat sa window shopping!
Luv roze. Na sstress na ako sa dami requirements sa skul. pero carry lang hehe. Nagtetext ako kay mami. Hidni pa reply. Love you.

Cute ng kittens...

Wednesday, February 9, 2011

Exhausted

Hun ko,

Love you...

Nakatulog ako after ng duty ko. Syempre naligo muna, unlike you na bagsak agad sa bed haha.
Nahati kasi katawan ko kanina sa OPD-ER at sa Ward. Humalili ako sa isang nag transfer. Sayang nga sana ako na lang nagtransfer para may P1000 ako. Eh sabi ni pedia namin yung senior ko a lang magtransfer. Dengue 3 na ata. Sa Polymedic dinala. Tapos before umuwi may mauling pa. Nag assist pa ako sa suturing. Luv you hun ko. Miss na miss na kita. 

Eto medyo natotoxic sa project namin. Haaaaaay

Tuesday, February 8, 2011

Hot Tuesday

Hun ko,

Off ko today. Nagtulog ako. Hindi ako masyado nakagawa ng project namin. Medyo na sstress na nga ako eh. Late na nag resume ang internet connection ko. Kakainis. Pero happy pa din kasi nakapag rest ako. Maiinit ngayon dito. Meaning lumilipas na ang panahon. Malapit ka na umuwi (optimistic).

Pumunta akong CDR KINg. Bibili sana ako nung stretchable na keyboard. Kaso mahal tapos naisip ko, kailangan matigas ang patungan ko. Malambot kasi yun pero handy. Bumili na lang ako nung medyo malaki tapos kakula pa ng laptop mo. Maganda may shade ng red. Bumili ako ng keyboard para hindi maluma yunhg keyboard ko at mas madali kasi kapag medyo malayo ang keyboard. Bumili din ako ulit ng keyboard shield. Nilagyan ko yung sa laptop ko. Bumili din ako new cooler. Medyo malaki at dalawa na ang fan. Effective naman. Color silver. 



Yung computer table kasi namin nasa may salas na at andun yung PC namin. I transformed tong baby cabinet namin sa isang computer table haha. okay naman.

Miss na kita. Sige gagawa na ako ng project namin. Love you hun. Chat tayo later.

Monday, February 7, 2011

Good to be Busy

I love you rozy ko,

Alam ko super busy ka na din. Good yan. Ako din super busy na din. Sarap pag nattaapos ang araw. Papalapit na ng papalapit ang pag uwi mo. Kaso pag naiisip ko, ang tagal pa pala nun,...nalulungkot ako hehe. May nag bigay sa aking ng stub ng chowking kanina expired na pala. Ikaw agad naisip ko. Syempre lagi naman tayo mag kasama pag eat sa labas. Namimiss na talaga kita roze.

Malamig pa din dito. Sarap matulog. Bukas hindi ako makakaluwas. Mag vivideo conference nalang kami ng ka group ko. Hun, naiinis ka ba sa akin kapag OA ako sa pag kamiss ko sayo? Pasensya na hun pero ganun talaga nararamdaman ko eh. Salamat kasi nagpapakatibay ka dyan. Tama yan. Basta BEHAVE. :)



Kapag pinapanood ko ito. Feeling ko nandyan ka lang. Salamat hun. Salamat. 

I love you to the maxx. Hindi nakakasawang sabihin.

Si chonan and the kittens dadalhin daw sa apt wid britney. Mukhang iiwan si bruce and the bibes. Ewan kay mami. Madami plano yun pero paiba iba. Papaupahan din daw yung silong. I love you roze. Kung gaano kita ka miss nung kakaalis mo palang. Ganun pa din pakiramdam ko. Si mami nga pag emo, salamat daw sa pagmamahal ko sa anak nya. Sana daw wag magbago.

Nung nasa Jolibee pala kami after ka namin ihatid. Nag dramahan kami ni mamita. Adik yun eh. Kaw din adik. Umiyak si mami nung nabasa na mahal mo sya kahit lagi kayong nag aaway. Naiiyak na nga sya nung umoorder sya ng chicken eh lalo pa naiyak nung nabasa ang text mo. Pati ako nadamay. Kasi naiiyak na talaga ako. LALO nung naisip ko kung gaano kabigat ang mga nangyari before ka umalis. Nag away pa kayo ni mamita. Sabi ko nga kay mami, inaaway ka pa nya at sinasabi pa nya na gala lang tayo ng gala at sa akin mo talaga gusto makipag joint account. Iyak si mami lalo. Nasabi nya lang daw yun sa inis at kilala naman daw nya tayo. Matino tayo humawak ng pera. Alam nya na hindi tayo gala ng gala. Sabi ko sa kanya nung martes before ka umalis, naka hang lang tayo sa kalye at nag iisip saan kukuha ng salapi. Ni hindi kita na ikain sa labas, kahit sa jolibee. Grabe hun ko nung pag uwi mo ako sa hawz para sunduin si mamita para pumunta sa bangko, umiiyak din ako nun 2dmaxx, ewan if nahalata ni mami kasi nag sesermon pa din sya nung pag dating ko eh. Iyakin pala ako,..basta para sa mahal ko mababa ang luha ko. LoL. Inaasar lang daw tayo ni mami, kaya sya nakakapagsalita ng ganun, sabay iyak. Natuwa nga ako nung nag kabati na kayo ni mami, nag jolibee kayo kahit hindi nyo ako kasama dahil kailangan ko abangan ang box ni ate daisy. Pero alam mo ayaw ko umuwi kasi alam ko yun ang last na get together natin before ka umalis. Nung nakaalis ka na, sa room agad ako pumunta. Dun ako nag ngunguyngoy haha. Bwisit ka kasi. sabi ko bwisit ka roze. hahaha. Nung nagdramahan kami ni mami sa jolibee, walamng hiya hiya. Kuha pa din ako ng kuha ng ketchup miski mapula mata ko. Nung sumakay kami ng bus papunta megamall,.wala iyakan. Kwentuhan lang about sa mga klalokohan nyo ni mami regarding sa pag eenroll mo ng nurisng. Tigasaw ka pala. haha. Pinag shishift ka na pala talaga ng course, umayaw ka pa. Pero good kasi,..nagkakilala tayo! Pero kung tayo talaga siguro kahit hindi tayo mag kaklase, magkakatuluyan tayo sa ibang paraan. Doon pa sa jolibee megamall kami nag nguy nguyan. haha. At napaload pa ako ng di oras ng 1hundred na card dun sa may sm service. Wala ata kasi sila tingi tingi na autoload maxx. Kasi wala ako load that tym eh diba. Haha.

Sige baka tamarin ka na mag basa. Yung ibang kabaliwan namin sa susunod na hehe.
I love you Hun ko! God blezz


Sunday, February 6, 2011

Inosente sa Ecam

Wednesday, ‎August ‎25, ‎2010, ‏‎10:39:28 AM

Hun ko, eto yung video natin nung tinetesting natin ang ecam ng laptop ko. Yan yung pinapractice natin yung pang gugudtym kay Travis. (.!_!.)

Wala Akong Maisip na Title (.!_!.)

Hi Hun,
Nasa Kephilco ako when writing this blog. Walang load ang smart bro ko kaya hindi ako maka access na net. 9:00 AM pa lang dito. Boring. Nag gawa ako ng logo ng school of nursing na project namin. Nakakakaba kasi may panel pa. Magbabayad pa kami.
Miss na kita. Lamig dito ngayon. 3rd Sunday ko dito sa Kephilco. Bukas OPD na naman ako. Panibagong ka toxican. Nakaka stress sa OPD lalo pag Monday kasi tatlo ang doctors tapos super sangkatutak ang pasyente.
Mamaya sana makapag chat tayo. Kahit lagi ako puyat, bukod sa nag gagawa ako ng project eh nakakusap din kita. Nakalimutan ko magdala ng tasa. Pati panyo ko at sky flakes naiwanan ko. Nakakatamad pa naman bumili ng food dito kasi malayo ang canteen. Nakakhiya naman mag utos sa janitor. May dala naman ako energen at may baso dito. May water din naman. Yun na lang lunchee ko. Pag Kephilco ako hindi ako nag heheavy lunch. Kumain naman ako kanina ng monay with cheese whiz, patty and egg sa house kaya busog pa naman.
Lamig dito haha. Naka 17C yung aircon. Sarap.
Miss na miss na kita roze. Kapag nasa Lupang Pari ako, lagi ko tinatawag name mo. Kunwari andyan ka lang. Lalo pag maliligo na ako. Kunwari nasa loob ka pa tapos wait kita matapos. Haaaaay. Baliw na nga ata ako.
Bigla ako nainip kasi wala pa ako magandang workee na mag fifit sa gusto ko at sa propesyon ko. Sana naman maging ayos ang lahat bago matapos ang taon. Gusto ko na yumaman tayo.
Mahal na mahal kita at hidni kita ipagpapalit kahit nakakayamot ka minsan. Behlat!
May video na pala na anreceive ni tyrone yung bakugan na binili namin ni mamita. Wala ka na nung binili namin yun. P500 yun. Rare na release. Miss na miss na kita roze ko.
Magic Gimik na naman. Baka pag uwi mo wala na nito hehe. Hun ko I LOVE YOU!

11 days to go! Three years na ang kabaliwan nating ito. (.!_!.) <3 u

Saturday, February 5, 2011

Sabado

Hi hun,

Eto kakauwi ko lang. Sumabay ako sa classmate ko na amy car. Bumaba ako sa crossing tapos nag walk pauntang edsa central. Doon na ako sumasakay pa Tanay para mura pamasahe. Mabilis pati kasi puno na. Isa pa, kapag nag junction pa ako dadaan pa ako sa kapasigan, sa San Miguel. Hindi naman ako pupunta sa inyo. Mamimiss lang kita ng sobra. Miss na miss na kita. Hindi na ata matatapos tong pag kamiss ko sayo. Si mami kanina ba naman nakatanaw pa sa akin pag alis ko. Tapos sabay text, parang andun na daw ikaw sa haws kapag andun ako. Lonely daw sya. Lagi ko na lang sya tinetext. Swerte nga kasi kagabi nung may bad news eh andun ako. Somehow na didivert ko atensyon nya by my kakulitan hehe. Si yale ayun, nag mumurahan sila pag lalalaba. Si yale taga banlaw. Hindi naman sya masyado sagot pero pag nagsalita matalas. Hehe. Si mami naman hindi na masyado patol. Tipikal na murahan. Haha.
Si travis ganun pa din ka kulit. Hun miss ko na mga Sabado nights natin. Sobra. Ayaw ko maging malungkot ka pero yun ang totoo, sad ako now. Haaaaaay.

Ano nga pala name nung pusa na black na kapatid ni chobits na tinapon daw sa may shangrila mall? Naalala ko kasi noong nag hanap tayo sa sulok doon one day na na[adaan tayo. Ka bwiset ka dami ko naalala sa mg aidnadaanan ko bout sa old times natin.

Miss na miss na kita hun ko. 7am pa ako bukas, sana hindi ako malate. Kephilco ako bukas.

Thank God!

Hun ko,

Napakadaming nangyari ngayong araw na ito!
Lahat pakana ni Bossing sa taas. Sarap ng pakiramdam everytime na narerelieve from problems.


Kanina galit na galit nanay ko sa akin. Nasa Emergency room ako. Toxic! text ng text na ako daw nag sira ng computer. Ayaw daw gumana ng internet!. Kinakabahan ako kasi itatapon nya daw sa labas yung computer. Kabwiset! tinext ko nga na wala ako ginagawang ganun. Pero kinakabahan pa rin ako. Sabi ko uuwi muna ako sa bahay before pumunta ng lupang pari. Pagdating ko sa haws, ayos na yung internet. Kabwiset haha. Tapos good mood na sya!


Eto sumabay ako sa tatay ko paluwas. Nandito ako ngayon sa haws nyo. Natuwa ako kay travis kasi marunong na sya mag open ng pad lock. Sya nag open para sa akin. Bumili ako ng pansit canton sa palatiw. Yun dapat eat namin, eh biglang dumating papa may dala din pansit nakabalot din sa dahon. Akala ni mami sa palatiw din. pansit bihon naman. Hindi masarap! Hindi pala sa palatiw binili ni papa. Haha..yamot na yamot si mamita. Bukas yung binili ko kakainin namin for breakfast!

Habang nagkakasiyahan tayo while chatting, umeksena si ate rhona. Nahuli daw si Kuya Jun sa Sto Thomas! Iyak ng iyak si mami. Pati ikaw, naawa ako sayo. Nag aalala ka pa eh ang layo layo mo. Alam ko naman kung gaano mo kamahal ang kuya jun  mo kahit ganun yun. Yan gusto ko sayo, hun kaya miss na miss na kita. Roze tagal mo naman umuwi.
Pumunta dito si Sadam para ibalita yung nangyari. Maya maya si kuya Jay naman. Hindi hinarap ni mami. Sabi ko hilo at umiiyak si mamita. P15 thousand unang hinihingi ng pulis, maya maya 10 thousand na lang. haaaaay. Kung may pera nga lang daw hawak si mami eh pipiyansahan nya daw yun kahit paulit ulit. Hanggang maisip ni Kuya kung saan ba talaga papunta ang buhay nya. Haaaay buhay. Si ate rhona naman wala daw pera at hindi alam saan uutang. 
Maya maya sa kalagitnaan ng dramahan ng bawat isa, nag text si Kuya Jay na nagawan nya na ng paraan. Kinausap nya yung pulis na humuli kay kuya jun! gud kasi napakawalan si kuya. Watta relieve for everyone! sarap. Ako lumuwag pakiramdam ko para sa yo. Hun ko ilove you. Sa totoo lang ayoko nagaalalal ka masyado.

Thank God!

Malaki na anak ni chonan! kita na colors nila. Miss na miss na miss na kita!.


Thursday, February 3, 2011

Sino Yan?

Hi hun ko,

Mukahang may admirer ka na agad dyan. Sino yung Desi Sidhu? Ahem behave ka dyan ha.

Miss na kita. Kanina napanaginipan kita. Umuwi ka na daw. Hindi mo na daw ako mahal. Sobrang lungkot
ko kanina hanggang marealize ko nananaginip lang pala ako.

OPD-ER nurse ako ngayon. Kakauwi ko lang. Lagi daw ako ngayon sa OPD-ER para daw masanay ako.
Okay naman kahit may times na nasasabihan din hehe. Bukas 7-3pm ulit ako. Wait ko mag online ka. Gusto na kita ma ka chat!


Hindi pa pala nakakalipad sina Kennedy. Bukas pa daw. Nasiraan daw yung plane nila.

Masama pakiramdam mo? Lagi ko sinasabi sayo mag vitamins ako. Diba madami ka dala? Inom water at wag mag pupuyat. LAgi mo kasi kaharap ngayon laptop, tskl tsk.

Miss na miss na kita hun ko. Lapit na 3rd anniversary natin. Wala ka sa tabi ko.(.T_T.)

Nasiraan daw plane nina kennedy kaya bukay na lang sila lilipad.

Love you hun ko!

Wednesday, February 2, 2011

Mad Morning

My dad was bitten by a mad ugly dog. Hindi assertive tatay ko. Nanay ko pa pumunta sa baranggay para makipag usap face to face sa may ari ng aso. Kaninang umaga before ako pumunta sa duty, pinuntahan ko yung may ari ng aso. Natahimik sila. Talagang sinabihan ko sila. Hirap na nga sila eh magpapabaya pa sila. Tsk tsk ka bad trip. Buti na lang hindi ginatungan ng duty ko ang asar ko. Maganda ang duty ko kanina. Hindi toxic. Nasasanay na ata ako sa OPD hehe.

Love You hun
Mizz na kita!

Sana ma ka fly abroad na rin ako.

Chat Tayo

Hun ko,

Umalis na si Kennedy kanina. Bukas daw flight nila pa Japan. Sana makapag abroad na din ako. Yung tita ko nabasa ko sa isang thread, madami na daw nag tatanong sa pinsan ko na employer dun sa California. Meaning inilalakad na nya yun. Hindi pa kaya graduate yun kasi nagloloko. Pag ako nagtatanong, recession daw dun ngayon. Nakakapag tampo lang (.T_T.) sana makapag abroad na din ako. Haaaaay alam ko may balak ang nasa itaas para sa akin at para sa ating dalawa. Miss na kit hun ko. 

Bukas at sa Friday 7am ulit ako, OPD. Haaay sarap pa naman matulog. Miss na kita. Chat tayo mamaya at bukas pag uwi ko ha hun ko. 

Ingat ka dyan

Naka receive na pala ako sweldo ko kanina. P750 lang naman para sa dalawang Sundays na nag Kephilco ako...Love you.

Chat with you later.

Tuesday, February 1, 2011

Eto Namimiss Ko Sa'yo



Kailan kaya mauulit to?
(.T_T.)

Miss na kita!

16 Dayz to go

February 1 na pala! mag iisang buwan ka na dyan.
16 dayz to go, 3 years na tayo hun hun...
I LOVE YOU!

Magandang Umaga Hun

I love you hun,

Masaya ako kasi nakapag usap na tayo at nakikita pa natin ang isat isa. Umaga na tayo natapos,..umaga dito tapos dyan gabi pa lang hehe. Miss na kita. Love you.
Visit mo lagi tong blog diary ko. Mwah

Mapapadalas na ito!


Sana maabsorb na ako sa TGH para may income na ako kahit paano. Balita ko magtataas sila ng onti sa sweldo. Tapos sana matapos ko MAN ko.  Gusto ko na maging stable ang lahat. Love you Roze ko. Maya kwentuhan ulit tayo!.

Pinagduduty ako. Kahit daw late ako dumating. Onti nurse ngayon dami patient nasa 20 na ata. Eh 9 am na ako nagising. Gagagawa kasi ako project today kaya hindi ko tinanggap pero eager talaga ako mag duty. Baka mag pagupit ako mamaya. Haba agad buhok ko. Hindi masyado okay gupit sakin kasi sabi ko nung nagpakulay ako wag masyado iksian kasi sayang highlights pero pwede naman ata maiksi kasi visible masyado colors hehe.

Luv You HUn,
(.!_!.)