Hi hun,
Miss na miss na kita hun. Kailan kaya matatapos ang malungkot na istorya ng buhay nating ito?
Kanina maliligo na ako, naamoy ko sa towel yung scent mo. Parang baliw ako kanina. Haha amoy amoy ko. Pati mga damit mo inaamoy ko. OA ako noh? haha. Kasi hun miss na talaga kita. Kasalanan mong lahat toh. Minahal mo ako ng sobra. Naninibago tuloy ako ngayon.
Pati mga unan, ang higpit ng yakap ko pag matutulog ako. Iniisip ko ikaw ang katabi ko.
Half day lang kami kanina. Umuwi ako ng maaga sa pari. Kumain tapos natulog kasabay mami. Namili si mami ng padala kay ate grace. Hindi ko na nakita kung ano mga pinamili nya.
Pag ka gising ko, sinabihan ako mami na hating gabi na lang ako umuwi haha. Naawa tuloy ako kay mami. Sabik sa kausap. * pm na lang ako umuwi. Kung wala ako duty bukas, hindi pa talaga ako uuwi. Nanood kami ng wish ko lang at ng replay ng machete.
Tapos kumain kami sarsyadong tilapya. Sarap talaga cook mamita haha. Kain daw ako ng madami.
Hun ko miss na talaga kita. Sana January na ulit. Pag kauwi ko 100 pm, check ko agad facebook ko para icheck mga messages mo. As usual delayed ang fb confirmation via text ngayon.
Ngayon first dayb na maexexpose ka dyan sa hospital sa saudi. Alagaan mo sarili mo. Focus lagi ha. Remember iba kalibre ng mga foreign na tao.
Ang saya ko last night kasi nakausap ka namin ni mami live. Tnx kay ate nora. Tuwang tuwa kami ni mami. sayang wala pa si papa at royalty.
Dami nakakapuna, nakakainis ang tamlay ko daw lagi. Hindi naman kaya. Ewan ko ba kahit anong gawin kong saya nagmamanifest a din ang inner self ko...sad. Hayaan mo hun gagawin kong masaya ang buhay ko even wala ka pa. (.!_!.)
Medyo malat pa din ako.
Sana magkalaptop ka na para mas madalas communication natin. Pero wag masyado mag puyat ha. dami mo na tuloy utang. haaaaaay.
Ingat ka dyan. Tulad ng sbai mo may patient ka kanina may H1N1!,..doble triple ingat ha.
Di ko alam gagawin ko pag may nangyari sayong masama...
Love you hun
No comments:
Post a Comment