Monday, January 31, 2011

Misswah

Kala ko pa naman makakapag chat ulit tayo tonight. Sige okay lang, basta alam ko okay ka. Sana sooner mag ka internet na kayo dyan. Miss na miss na kita roze.


Taas na pamasahe sa jeep.  Ngayon kasi P8 na daw minimum. Ipapatupad na. Dati diba P7 lang. 
Damipala pagbabago pagbalik mo.
.
miss na kita. Di kita pagpapalit. Ikaw din ha. wag na tingin sa iba.hmp
Nagpabayad pala ako sa nay ko ng witribe kanina. Binigyan ako ni yale P1200 last Saturday.
Ginaw talaga ngayon.weird. Love you hun. Pray lagi hunhun...God bless (.!_!.)

Hungry and weary

Pagod na pagod ako ngayon hun. Sa OPD at ER ako kanina. Grabe medyto nagkakamali pa ako. Hindi na ako nag lunchee. Dami ng pasyente! Pero okay lang dami nakaka appreciate ng sipag ko (.!_!.). 5pm na ako umuwi kasi nag lista pa ako sa POD book. haaaay

Tuwang tuwa ako na may HP ka na! wow! makakachat na kita.
Sana maayos na yung internet mo dyan para may tym na tayo sa pag silay sa isat isa,..nweiiizzz
Hihintayin ko signal mo kung may internet ka na.
Paano open bluetooth? ganto ginagawa ko...

First

second

Third



luv you hun ko.

Sunday, January 30, 2011

Happy New Year Pa Din!?????

Naiinis ako pag nakakrinig pa din ako ng happy new year greetings sa tv! feeling ko tuloy tagal tagal ng panahon. Tagal mo pa uuwi,..sana back to school na ang patalastas or happy halloween!
(.>_<.)

Bored and Busy

Hi hun ko,

Musta ka na dyan? sana magkalaptop ka na hehe...

Nandito ako ngayon sa KEPCO-Philippines. Company nurse. 2nd Sunday ko na toh.
Lamig ng aircon, sarap. Solo ko ang clinic.

Wala masyado ginagawa. Dala ko laptop at smartbro ko. Mabagal nga lang ang net. Nag gagawa na din ako ng project ko. Nakaka stress.
Bukas 7am-3pm ako. Sana naman hindi na ako mag extend like last monday. Bilis ng araw haha parang kafifiesta lang sa amin,.tapos ngayon nakaupo nananaman ako dito sa office.

clinic table ko pag sunday, and that rose reminds me of yo..(.!_!.)


Na pupu nga ako dito kanina. Nagmadali na lang ako kasi baka may humingi gamot at mag pa BP.
Sakit tyan ko. 

Last night pala before ako umuwi tanay, pinababa ni mami sa silong  yung lagayan mo ng computer dati. Dun daw mag lalaptop yale kasi hindi daw sya makatulog pag nasa kama yale. Nakikita daw nya minsan may ka chat yale.

Ginawwwww....

Pinababa ni mami ang computer table mo!

Love you.
Ingat ka dyan!
God blezz!

Saturday, January 29, 2011

Towel

Hi hun,

Miss na miss na kita hun. Kailan kaya matatapos ang malungkot na istorya ng buhay nating ito?

Kanina maliligo na ako, naamoy ko sa towel yung scent mo. Parang baliw ako kanina. Haha amoy amoy ko. Pati mga damit mo inaamoy ko. OA ako noh? haha. Kasi hun miss na talaga kita. Kasalanan mong lahat toh. Minahal mo ako ng sobra. Naninibago tuloy ako ngayon.

Pati mga unan, ang higpit ng yakap ko pag matutulog ako. Iniisip ko ikaw ang katabi ko.

Half day lang kami kanina. Umuwi ako ng maaga sa pari. Kumain tapos natulog kasabay mami. Namili si mami ng padala kay ate grace. Hindi ko na nakita kung ano mga pinamili nya.

Pag ka gising ko, sinabihan ako mami na hating gabi na lang ako umuwi haha. Naawa tuloy ako kay mami. Sabik sa kausap. * pm na lang ako umuwi. Kung wala ako duty bukas, hindi pa talaga ako uuwi. Nanood kami ng wish ko lang at ng replay ng machete.

Tapos kumain kami sarsyadong tilapya. Sarap talaga cook mamita haha. Kain daw ako ng madami.

Dami pala namin requirements ngayong sem na toh haaay sana makasurvive. PARA SAYO KAKAYANIN KO! 

Hun ko miss na talaga kita. Sana January na ulit. Pag kauwi ko 100 pm, check ko agad facebook ko para icheck mga messages mo. As usual delayed ang fb confirmation via text ngayon. 

Ngayon first dayb na maexexpose ka dyan sa hospital sa saudi. Alagaan mo sarili mo. Focus lagi ha. Remember iba kalibre ng mga foreign na tao. 
Ang saya ko last night kasi nakausap ka namin ni mami live. Tnx kay ate nora. Tuwang tuwa kami ni mami. sayang wala pa si papa at royalty.

Dami nakakapuna, nakakainis ang tamlay ko daw lagi. Hindi naman  kaya. Ewan ko ba kahit anong gawin kong saya nagmamanifest a din ang inner self ko...sad. Hayaan mo hun gagawin kong masaya ang buhay ko even wala ka pa. (.!_!.)
Medyo malat pa din ako.
Sana magkalaptop ka na para mas madalas communication natin. Pero wag masyado mag puyat ha. dami mo na tuloy utang. haaaaaay.

Ingat ka dyan. Tulad ng sbai mo may patient ka kanina may H1N1!,..doble triple ingat ha.
Di ko alam gagawin ko pag may nangyari sayong masama...
Love you hun

Friday, January 28, 2011

First Friday

Hun ko,

Nag iisip ako kung paano ko makakalimutang maging malungkot. Antok na antok na ako. Galing pa ako ng PLP dahil nakipag meeting pa ako kay Dean Mabini about sa batch namin hehe. Miss na kita
Pinauna na ak ni mami sa pari para makatulog na din muna ako. Sinamahan nya papa sa lab at nanood ng program ni trav.

Mag isa lang ako sa hawz kanina at ang daming bagay ang pumapasok sa isipan ko. Hirap pag puyat, pagod at malungkot. Mababaliw ata ako haha.  eto yung unang friday ko dito na wala ka. Gigising ako bukas na wala ka.Sabagay kahit andito ka pag umaga before ako pumasok eh hindi ka naman gumigising haha.Peace!


Dito ako natulog sa bed na hinihigaan natin dati. Dating pwesto. Uminom ako iterx at loratidine para KO ako. Tinext ko mami na mag tawag ng malakas para marinig ko agad. Sabi ko miss na kita. Aba't nag reply na parang iiyak haha. Nalulungkot daw sya pag ganun text ko hehe. Tapos mamaya pa daw sya uuwi. Haaaay bago pa lang ako makakatulog,..bigla may sumigaw. Si Mami na pala nag open gate pero yung bagong pnto dito sa kusina nakasara kaya no choice bumangon pa din ako haha. Nahirapan na ako makatulog. Pero buti naka nap din ako for about 4 hours. Okay na din.


Mamaya mag rereview ako. Exam namin bukas.
Si Mami nag luto ng tinolang manok! sarap. Dami. Kasahog ka.
Medyo malat ako now. Hirap.

Layo mo hun. Kahit na anong saya ko,..lagi pa din kita naiisip. Sana kahati kita sa ilang masasayang bagay na nagaganap dito sa pinas sa aming lahat.

Mabigat anak chonan haha. lumalabasa na pag ka siamese. Nag paplano kami ni mami magbreed hehe.

Miss na kita
Ingat ka dyan and GOD BLESS
Bumili pala ko ng saging P66 pesos,..natawadan ko ng piso hahhaa.P65 na lang. Dun sa kapasigan sa parang talipapa. Medyo hilaw binili ko,..mamayang gabi hinog na yun, sa makalawa ubos na to,..sa susunod na araw pa idudumi na namin to, tapos sa susunod na taon uuwi ka na. hehe,..pabibilisin ko ang panahon. Love you
(.T_!.)

Thursday, January 27, 2011

Hun Sorry

Hun pasensya ka na talaga pero hindi ko mapigilang malungkot. (.T_T.)

Mamaya 11-7am ako. Sabi ko kay mami sa inyo ako didiretso.
Nalungkot ako bigla.

Kanina nag hahanap ako pwede ko suoting polo sa Sabado para sa MAN class ko. Ikaw ang naisip ko. Binibili mo ako ng polo. Nasusurprise ako sa maraming kilos mo na pinapakita mo sa akin. Napaka Thoughtful ng hun ko.

Hun ang lungkot ko bigla.
Sorry hun, ayaw ko maging sad ka din dyan pero sobrang nalulungkot ako hun. Sobra. sobra...

ang tagal pa ng uwi mo. Imagine sa isang January pa. 2012 na yun!
u

Apo

Tinanong ako ng nanay ko kung anong edad ako mag aasawa. Di ko sinagot
Alam mo sabi nya baka daw mag anak ako kung kelang matanda na ako.
Sabi ko baka gusto na nya mag ka apo,...
sagot ba naman eh as if daw sa kanya titira apo nya.
 Sabi ko,..kaya nga bibiliu kami condo sa pasig, dun sila titira ni tatay, kervin at camille.
Haha ang sagot nya,.libre daw mangarap. MAinit daw klima sa manila.
Sabi ko Condo yun! may aircon haha.
Masaya kami ngayon dito sa haws. Open na nay ko sa pag aasawa naming mga anak nya.
Sana talaga yumaman na ako para naman makatulong din ako sa mga parents at family ko.

Miss ko na hun ko,..off ka ngayon wag ka mag emo ha. Watch ka TFC.

Lastr night galing kami sa bahay nina kat. PPinagkaguluhan ang BF mo haha. Mga balikbayan tao dun kaya nakakahiya. Naging pasyente ko yung lola ni kat na yun. Biniro nga ako ng isang kaibigan ko dun, laht daw ng nagiging pasyente ko namamatay haha. Adik lang haha.

Miss na kita hun ko,...
Love you...(.!_!.)

Wednesday, January 26, 2011

IMYLC

Malamig. Sobrang lamig ng panahon ngayon. Mas naiinip ako kasi ang tagal mag summer. Alam ko kasi pag katapos ng summer, taglamig na ulit at malapit na ang pagbabalik mo dito sa pinas.

Tinanong mo ako last time kung may problema ba tayo. Mahal kita roze.

Yung mga sagot na hinihintay mo higit pa sa inaasahan mo ang sagot ko. Mahal kita.

Sana nandito ka para sabay tayong makikigulo sa Juan for all All for Juan sa San Miguel.
Normal lang naman malungkot pero hun sinusubukan ko ang lahat para makalimutan ko kahit sandali na nasa ibang panig ka ng mundo. Iniisip ko na lang na nasa pasig ka lang. Pag nasa pasig naman ako, iniisip ko nasa sabater ka. Sa ating dalawa aminado ako, mas mahina loob ko. DI ko pala kaya na malayo ka sa akin.

Humihingi ako ng tawad sa mga nasabi ko sayo dati, 2 months before ka ma tawagan ng POEA.
Hun, mahal na mahal kita. Tama sila,.mas marerealize mo kung gaano mo kamahal ang isang tao kapag napalayo sya sayo. Ito na ang katibayan.

Huwag ka mag iisip na ipagpapalit kita. Huwag ka matakot na iwanan kita. Ngayon pa lang kahit malayo ka,...sinasamahan na kita sa lahat ng nararamdaman mo. Kapag malungkot ka dyan, nalulungkot di ako.

Hun sana dumating ang oras para sa ating dalawa na maging maayos ang ating buhay.
Alam ko malapit na yon. Ako na ang magttrabaho at hindi mo na kailanagang mag abroad.

Hun lagi ka mag iingat dyan ha...
Love You