Thursday, September 1, 2011

Happy Birthday Hun

Hun happy happy birthday sayo.

From school dumaan ako sa inyo sa San Miguel. Bumili ako ng chocolate scroll cake half lang kasi alam ko wala naman masyado kakain kami kami lang nina mamita. Tapos ayun naabutan ko si mami nag rorosary. Nag paluto sya ng pansit. Sarap. Masaya naman kami hehe. Kaw din enjoy ka lagi sa ginagawa mo para di ka malungkot
Ganun ginagawa ko. Tapos kahapon tinanong mo ako kung kaya na kita buhayin. Sa totoo lang naiinis ako sayo hmp. Lam mo naman isasagot ko. Haykz. Nakakahiya man sa yo. Miss na kita hun. Kaw na bahala mag desisyon kung babalik ka pa dyan o hindi na. Medyo naiisip ko na nga posibleng mangyari pag uwi mo. Umaatikabong stress nanaman. Tingin ko mag aaway nanaman kayo ni mami. Sabagay ganun naman talaga kayo. Haykz. Sana hindi naman. Nakikinita ko na haha. Miss you. Sige ingat ka dyan. Bihira ko na nadadalaw ang blog natin sa sobrang kabisihan haha. Mwah ingat ka dyan.

Thursday, August 4, 2011

Breaktime



Pumunta ako sa San Miguel, breaktime sa PLP. Sa Maybunga Health Center ako nag duty hehe. Miss you.

Wednesday, July 27, 2011

Monday Evening





Hayyy, dinala ako ng paa ko sa San Miguel. hehe. Ayan ang naabutan ko. Nagtuturuan ang mag lola. Miss na kita hun ko. Mwah.

Monday, July 18, 2011

Sir Ken

Hi hun ko, miss na miss na kita

Capping and pinning sa wednesday sa tanghalang Pasigueno. Kung nandito ka, isasama kita para may taga picture ako haha. Joke. Syempre gusto ko kasama kita. Sana tuluy tuloy na itoh.Sana maabsorb na din ako sa TGH. Gusto ko din kasi sa hospital. Gusto ko na din mag abroad. Love you.

Monday, June 27, 2011

City Hall

Hun ko,

Galing ako pasig kanina.Grabe kapagod init nanaman. Nag asikaso ako ng medical at mga requiremenst ko sa city hall. Buti tinaggap yung lab and xray ko sa tgh. Nag drug test na lang ako. Ayun dami tao hehe. Pumunta ako sa inyo. Bumili ako ice cream. Si mami dami wento haha. miss nya na tayo. Saya naman.Visit ko lupang pari. Si Bruce na awa ako. Payat pero liksi at lakas pa. Ginawa ko pumunta agad ako sa carinderia (sarado si momoy) dun sa looban ng near court,binili ko sya ng menudo at rice. Gutom na gutom wawa.. Miss ka na din nu. Kinuha ko books ko sa pari at yung bag na nike hehe pwede ko lagayn laptop. Miss na kita hun.

Si mami ba naman nag text:

tnx a lot4dropping by, pg kausap kita remember ko si pnk pig (joke)pro ms memorable f nasa L pari p tau kc andun mga memories w/roze;kwn2han,debate, iyakan, hilo blues, asaran, etc. Sna kau na n tlaga ni roze type na kita, kc noong grad day nyybangan me sau, yun pala ako mybang. sna nd u magbgo kc ang tangkad u na, now, ingat !

Nagdalawang isip tuloy ako kung uuwi ako sa text ni mami. Feeling ko iyak sya. Balik ako dun this week siguro kasi magpapasa ako sa plp ng requirements. hehe. Need ko kasi umuwi kanina kasi may pasok ako bukas.hayks. Tapos natira pera ko bente pesos hahahha naubos kapapaphtocopy at sa drug test. Bumalik kasi ako city hall nung hapon for the result. hayks. buti nasa akin atm haha. nakauwi naman ng maluwat. Si teletabit nag kukusa na matulog at kumain haha. Si chika tumaba. hehe. Si britney nung dumating ako may humahabol na babae kasi may tangay na paninda haha. Second time around na daw un. Pababayaran na nya sa amo haha. Sabay sigaw ng JUNNNNNNN. Yung sa may nagtitinda ng hotcake na binibilhan ni mami. hahahhaahhaha


Sunday, June 26, 2011

Baby Sonic

Hun, (.T_T,)

Nakakasad ang news from ate g. Now ko lang nakita mga messages nya sa inbox ko. Na abort pala si baby sonic. Haaaay. Now nag induce sila ng delivery ng placenta. Napaka painful daw. Di ko pa nasasabi kay mami, ewan ko lang ikaw. Naghihilo kasi si mami. Nagtext sya kagabi. Wala sya kasama. Si yale nasa outing. Si papa hindi umuwi. Si kuya at ate rhona nasa patay daw sa taytay father ni ate anna. Hayks.

message ni ate 23 hours ago.

Pakisabi na lng ke mami(i cant talk to her right now) wala na yung baby.. Sabi ng doctor d na nag form.. Naiwan yung placenta sa uterus ko..nag grow lng ng 6 wks pero actually 9.5 wks na dapat. D alam ano reason bka dahil daw sa mga gamot na iniinom ko before ko pa nalaman na buntis ako. I had my ultrasound kanina and nalaman nga ang bad news.. I will call my mom pag ready na ako.. Right now i'm in deep sadness and pain :(


Love you